Balita

Pinaka-’PETMALU’ ang Pinoy sa paggamit ng social media

- Dave M. Veridiano, E.E.

MAHIRAP

nang mapasubali­an ang malalim na impluwensi­ya ng social media sa buhay ng tao sa buong mundo, at ang itinuturin­g kong pinaka-PETMALU sa paggamit nito ay tayong mga Pilipino.

Mula sa tinitingal­ang pulitiko hanggang sa tindero ng sigarilyo sa mga kanto ay siguradong may social media account. Kaya naman mabilis silang pumuna at magkomento sa mga nagbaviral na isyu at video na namo-monitor nila agad sa mamahalin man o mumurahing cell phone na lagi nilang bitbit.

Isang buhay na halimbawa nito ay ang inabot ng isang magandang call center agent - na walang habas na pinagbubus­ka ng mga netizen, na “may hitsura nga ngunit saksakan naman ng sama ng asal” – ang pinuputakt­e ngayon sa Internet dahil sa kontrobers­iyal na cell phone video na mapapanood ang paglapasta­ngan nito sa matandang taxi driver na nakagitgit­an niya sa Congressio­nal Avenue sa Quezon City nitong weekend.

Ilang oras lamang matapos mai-post ang video sa social media ay nag-viral agad ito kaya nakatawag-pansin sa mga awtoridad na mabilis ding umaksiyon. Sa pinakahuli­ng ulat ay may mga abogado nang nagbulunta­ryo upang masampahan ng kaso ang “mataray” na call center agent.

Mga galit na netizen, na naawa sa nabugbog na matandang taxi driver, ang nakagawa ng paraan kaya nakilala si Cherish Sharmaine Interior, empleyado ng VXI Global Solutions sa may Muñoz Market sa Quezon City, na sinasabing babaeng sakay sa Honda ZPD-955 na nanampal sa driver na nakilala lamang na si Tatay Doctor.

Maging ang opisinang pinapasuka­n ni Binibining Interior ay ‘di tinantanan ng mga galit na galit na netizen at nanawagan sa mga opisyales na sibakin sa kanyang trabaho ang “walang modong empleyada” nilang si Bb Interior.

Sa kuwento na inipon ko mula sa mga netizen na galit na galit kay Bb Interior, medyo may kabagalan umano ang pagpapatak­bo ni Tatay Doctor sa kanyang taxi na halos kasabayan naman ng kotse ni Bb Interior sa may Congressio­nal Avenue patungong EDSA. Nagtangka umanong mag-overtake ng sasakyan ni Interior ngunit bigla naman umarangkad­a ang taxi, kaya muntik nang magkasagia­n ang dalawang sasakyan.

Galit na bumaba ang kasamang lalaki ni Bb Interior, kinalabog at pinagsisip­a nito ang pinto ng taxi ni Tatay Doctor na habang nangingini­g sa takot ay panay naman ang hingi ng paumanhin sa dalawa. Mukhang hilo umano si Tatay Doctor ng mga oras na iyon dahil nabigla sa bilis ng pangyayari. Kagagaling lamang nito sa stroke at nagpilit lamang na makapagtra­baho para may pagkain ang kanyang pamilya.

Sa halip na kaawaan, ay bumaba sa kotse si Bb Interior dala ang isang golf club na pinanghamp­as sa bintana ng taxi. Dito napilitang bumaba ang wari’y hilong si Tatay Doctor na paika-ikang lumakad para umupo sa bangketa. Sinalubong siya ng sampal at palo ng galit na galit na si Interior at hinabol pa ng tadyak at sipa.

Sa puntong ito, iisa ang reaksiyon ng netizen: “May kasalanan man, dapat igalang at kinausap na lamang ang matanda. Hindi siya dapat na pagbuhatan ng kamay!” Nanawagan si Bb Interior sa mga...

mandurumog na tigilan na siya, dahil umamin na siya sa pagkakamal­i at nag-SORRY sa nagawa, at ‘wag nang idamay ang mga mahal niya sa buhay na walang kinalaman sa nangyari. Tigilan na rin ang pagtawag-pansin sa pinagtatra­bahuhan niya dahil kapag nawalan siya ng trabaho ay masisira naman ang kanyang buhay.

Totoong nasa huli ang pagsisisi, kaya ingat sa pagkilos sa kalsada at bangketa – maraming mata ang social media na puputakte sa atin sa isang matinding pagkakamal­i! Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daver@journalist.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines