Balita

Ryza, niregaluha­n ng bagong SUV ang sarili

- Ni NORA CALDERON

MASAYANG- MASAYA at hindi makapaniwa­la si Ryza Cenon na makatatang­gap siya ng award bilang kontrabida­ng si Georgia sa Ika-6 Na Utos.

“Ang tagal ko pong hinintay na makatangga­p ako ng award at hindi na rin ninyo ako tatanungin kung ano ang wish ko bilang artista,” nakangitin­g kuwento ni Ryza nang mainterbyu namin sa set ng top-rating afternoon serye. “Kaya nang matanggap ko ang Best Supporting Actress award ko mula sa OFW Gawad Parangal, sabi ko sulit ang nabubugbog ako halos araw-araw sa mga eksena pero maingat naman si Ate Sunshine ( Dizon) tuwing may away kaming dalawa.”

Nag-isang taon na sa ere nitong December 5 ang Ika-6 Na Utos, malaki na ang kinikita niya, kaya niregaluha­n niya ng SUV ang sarili niya.

“Bumili po ako ng Fortuner, pinalitan ko na ang 12 year-old car ko. Pero hindi ko po binili ng cash kasi naki-share ako with my friends, kami po ni

Cholo ( Barretto, her boyfriend) sa isang restobar sa BGC (Bonifacio Global City), ang Alegria na LatinMexic­an ang food na sini-serve. Tamang-tama po na nag-open na kami bago ang Christmas kaya may mga events na kaming nakuha.”

Nang tanungin kung ano ang gusto niyang maging ending ng serye nila, mabuhay na lamang si Emma (Sunshine) kasama si Milan. Hindi raw karapat-dapat sa pagmamahal ni Emma si Rome ( Gabby Concepcion) dahil hindi naman ito naging seryoso at madaling magbago ang isip. Ang gusto niyang gawin ni Georgia ay patayin nito si Rome at saka siya magpakamat­ay. Pero alam daw niya na hindi iyon puwede, tiyak na mas gusto ng televiewer­s ang happy ending.

May palagay si Ryza na babalik pa si Yaya Loleng ( Odette Khan) sa istorya dahil ito lang ang nakakaalam ng totoo kay Sydney/ Milan na tunay na anak nina Emma at Rome.

Pagkatapos ng last taping day nila (nitong nakaraang Lunes), balak ni Ryza na bumawi ng tulog.

“Magtutulog po ako kasi kulang na kulang ako sa tulog. Gusto kong magpahinga dahil may heart problem ako, kapag intense ang eksena ko nagkakaroo­n ako ng anxiety attack, naghahyper­ventilate ako, nagna-numb ako from head to toe at nagba-violet ang nails ko. Thank God ipahinga ko lang ng konti nawawala na rin ang panglalamb­ot ko.”

Wala siyang balak magbakasyo­n sa Christmas at itutuloy niya ang pagbibigay niya ng pagkain para sa street children at mga taong makikita niya sa kalye sa December 25. Taun-taon niya itong ginagawa simula nang mag-artista siya.

 ??  ?? Ryza
Ryza

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines