Balita

Solenn at Nico, magkalayo sa Pasko

-

Actress, singer, painter, author, blogger, model, make-up artist at true fan ng Christmas si Solenn Heusaff.

“I love Christmas!,” aniya. “Christmas decoration­s, Christmas songs, I love! Every year para sa akin, dapat masaya ang Christmas. I make sure na I spend time with family and we eat together. Para sa akin, pinaka-important na nandoon kaming lahat as a family.”

Tuwing Pasko, hindi makukumple­to ang kanilang pagsasama kung wala ang kanyang paboritong ham.

“Kailangan nandoon ang favorite ko na ham — CDO Premium Holiday Ham!” aniya at inamin na dati ay wala siyang anumang alam tungkol sa ham, kung may extenders ba ito o wala -- na noong nakaraang taon lang, kasabay ng pagiging CDO Holiday Ham endorser niya -- nalaman.

“Hindi ko alam ‘ yung mga details about ham like if it has extenders or not. Pero last year, doon ko na-realize na — oo nga, ‘no, may difference talaga ‘yung CDO Premium Holiday Ham sa ibang commercial hams na nabibili sa supermarke­t.”

Ayon kay Solenn, sa market ay ito lang ang whole boneless meat mula sa hind leg.

“’ Yung ibang ham sa market, molded lang siya sa iba’t ibang piraso ng pork. I hate extenders in food. I love that CDO Premium Holiday Ham has absolutely no extenders!”

Ikalawang taon na niya as endorser nito.

“Ako talaga from the start I only endorse products that I believe in. Favorite ko talaga ang CDO Holiday Ham with cheese ball at pandesal. Pareho rin sa ginagawa ng mom ko. It reminds me of Christmas.”

Katulad ng mga nagdaang Pasko, magdiriwan­g si Solenn kasama ang pamilya niya. “Usually, every Christmas Eve, si Erwann ( Heusaff, brother niya) ang nagluluto. “It’s just him, me, Anne ( Curtis, sister-in-law niya), my sister, my brother-in-law; very small lang kami.” Pero ngayong taon ay darating ang kapatid niya mula sa Singapore. “And then siyempre, opening na ng gifts!” Mami- miss ni Solenn ang kanyang mister na si Nico Bolzico na sa Argentina naman magdiriwan­g ng Kapaskuhan sa piling ng mga magulang. Dapat daw sana ay kasama siya nito. “Dapat pupunta ‘ kong talaga. It’s part of my duty rin as a wife. Pero nu’ng makita ko ‘yung mga gagawin ko for next year, sabi ko kay Nico na it’s not yet time. May one week off ako, pero papuntang Argentina, 30 hours na ‘yung trip. Not worth it na nandu’n lang ako ng four days.” Nasasanay na silang magkalayo at nami- miss ang isa’t isa tuwing Pasko. Mabuti na lang, high technology na ngayon kaya mas madali na ang komunikasy­on nila. “Okay lang naman sa amin kasi siyempre his family, nandu’n. And hindi naman ako selfish or possessive. Buong year nandito na siya sa akin. It’s just one month – every December.” Sa susunod na taon, may dalawang pelikula siyang gagawin. Going strong pa rin ang Taste Ta Buddies show niya at extended ang All Star Videoke. Mukhang may kasunod din ang sold out Kalsada Painting exhibit niya na ang bahagi ng proceeds ay napunta sa Kalipay Foundation. May plano rin ni Solenn na magbigay ng art lesson sa ilang abused children. Excited din siya sa renovation ng magiging bahay nila ni Nico at bilang paghahanda na rin sakali sa pagkakaroo­n nila ng baby. “Kapag may baby na kami, I think we really need to think we really need to be together na talaga especially on those special days.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines