Balita

R4- M pabuya sa drug informants

- Jun Fabon at Beth Camia MARK BALMORES

Mainit-init na P4.8 milyon ang tinanggap ng apat na impormante mula sa Operation Private Eye (OPE) ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA), bilang gantimpala at paghimok sa mga pribadong mamamayan na isuplong ang mga hinihinala­ng sangkot sa ilegal na droga sa kanikanila­ng barangay.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino ang mga impormante sa mga code name na Toffee, James, Cold Ice at Bash, na pawang nagbigay ng impormasyo­n na ikinaarest­o ng drug personalit­ies, pagkakasam­sam ng kilo-kilong shabu, at pagbuwag sa malaking shabu laboratory.

Ayon kay Aquino, ang mga impormante, na tumanggap ng gantimpala sa isang simpleng seremonya sa tanggapan ng PDEA kahapon, ay pawang hindi kinilala para sa kanilang proteksiyo­n.

Kasabay ntio, nag-alok naman si Pangulong Duterte ng P500,000 para sa sinumang makapagbib­igay ng pangalan ng sangkot sa ilegal na droga.

Sa pagdalaw ng Pangulo sa labi ni PO3 Wilfredo Gueta, sa Maybunga, Pasig City nitong Martes, sinabi niyang babayaran niya ang impormasyo­ng makatutulo­ng para sugpuin ang ilegal na droga sa bansa.

Aniya, hindi naman kinakailan­gang direktang ibigay sa kanya ang pangalan ng sangkot sa droga kundi maaari na lamang itong ibulong sa kanilang barangay chairman, na magsusumit­e naman ng pangalan sa pulisya.

“Magsabi lang ako ngayon, o, sige bigyan n’yo ako impormasyo­n. Babayad ako ng P500,000. Ibigay ko roon sinong gusto ninyo, sa barangay captain ninyo. Bigyan mo ako ng pangalan. Bayad ako bukas 500,000. Walang lokohan,” ani Duterte.

 ??  ?? NAKATULONG NA, KUMITA PA Iniuwi ni “Toffee” ang P1806,846.60 pabuya sa pagiging drug informant sa seremonya sa Philippine Drug Enforcemen­t Agency headquarte­rs sa Quezon City, kahapon. Bukod kay Toffee, tatlo pang drug informant ang tumanggap ng pabuya.
NAKATULONG NA, KUMITA PA Iniuwi ni “Toffee” ang P1806,846.60 pabuya sa pagiging drug informant sa seremonya sa Philippine Drug Enforcemen­t Agency headquarte­rs sa Quezon City, kahapon. Bukod kay Toffee, tatlo pang drug informant ang tumanggap ng pabuya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines