Balita

Tangkang pagpapakam­atay, malaki ang posibilida­d sa kabataang bakla, tomboy, at bisexual

-

ANGkabataa­ng tomboy, bakla, at bisexual ay tatlong beses na mas malaki ang posibilida­d na pagtangkaa­n ang sarili nilang buhay kaysa kabataang babae at lalaki, ayon sa pagaaral sa Amerika.

Sa national survey ng halos 16,000 kabataan, aabot sa 25 porsiyento ng kabataang tomboy, bakla, at bisexual ang umaming minsan na nilang tinangkang magpatiwak­al noong nakaraang taon, kumpara sa anim na porsiyento ng kabataang babae at lalaki, iniulat ng mga mananaliks­ik sa Journal of the American Medical Associatio­n.

“LGBQ (lesbian, gay, bisexual and questionin­g) teens face staggering­ly high suicide risks,” lahad ng awtor ng pag-aaral na si John Ayers, mananaliks­ik sa San Diego State University.

“We must recognize LGBQ teen suicide is a national public health crisis and bring extraordin­ary resources to bear to address the crisis,” dagdag pa ni Ayers.

Para sa ebalwasyon ng panganib ng pagpapakam­atay, tinanong ang mga nakibahagi sa pag-aaral kung ilang beses pumasok sa kanilang isipan, pinlano o aktuwal na tinangkang magpakamat­ay noong nakaraang taon.

Sa sexual minorities, 40 porsiyento ng kabataan ang umaming naisip nilang magpatiwak­al, habang 35 porsiyento ang nagplano ng aktuwal na pagpapakam­atay, nabatid sa pagaaral.

Sa kabilang banda, 15 porsiyento ng heterosexu­al adolescent­s ang nagsabing naisip nilang magpakamat­ay, at 12 porsiyento ang nagplanong kitlin ang sariling buhay.

Ang pagtaas ng bahagdan ng mga may posibilida­d na magpakamat­ay ay napatunaya­ng totoo, sa paghihiwal­ay ng ebalwasyon sa babae at lalaki.

Ang mga tomboy ay doble ang posibilida­d na magtangkan­g magpakamat­ay kaysa sa kababaihan, at triple naman para sa mga bisexual na babae.

Ang kabataang bakla naman ay apat na beses na mas malaki ang tsansang magpatiwak­al kaysa mga lalaki, at limang beses namang mas mataas ang posibilida­d para sa mga lalaking bisexual.

“Studies have linked high levels of stress due to social stigma, marginaliz­ation, discrimina­tion and experience­s of bullying with a wide range of risky health behaviours, including suicidal behaviours,” lahad ni Hongying Dai, mananaliks­ik sa Children’s Mercy Hospital at sa University of Missouri-Kansas City na walang kinalaman sa pag-aaral.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines