Balita

LTFRB sa Grab, Uber drivers: Mag-online kayo!

- Rommel P. Tabbad

Umapela kahapon ang Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board ( LTFRB) sa mga driver ng transport network vehicle service (TNVS) na Grab at Uber na dapat ay lagi silang online dahil sa tumataas na demand sa app- based service vehicle ngayong Christmas season.

Ayon kay LTFRB spokespers­on, Board Member Aileen Lizada, dapat na makipagtul­ungan ang Grab at Uber drivers sa ahensiya para sa kapakanan ng mga pasahero, lalo na ngayong holiday season.

“I just want to call out ang mga TNVS: Please be online. The riding public needs you especially this holiday season. Please be online, para mas marami hong supply. Let us help each other. Binigyan ho kayo ng prangkisa and we are now moving forward. Magtulunga­n ho tayo, be online sa mga TNVS,” pakiusap ni Lizada.

Tiniyak din ni Lizada sa publiko na sinusubayb­ayan ng LTFRB ang mga reklamo laban sa Grab at Uber, sa tulong na rin ng social media.

“Kapag nakakakuha kami ng mga ganyan (reklamo) sa social media, especially sa Twitter o sa Facebook account, we directly act either Uber or Grab to explain ano ‘yung computatio­n nila, and sumasagot naman sila kaagad para maintindih­an din ho ng mga tao,” sabi ni Lizada.

“We have a fare. May mga components po ito, ‘yung kanilang fare mismo which is ‘yung amount times the kilometers at tsaka ‘yung running time, may P2 for every minute. Meron din hong surge doon, it’s only times 2,” paliwanag niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines