Balita

Rider duguan sa sinalpok na kotse

- Bella Gamotea

Sugatan ang isang rider nang mabangga ang sinasakyan nitong motorsiklo sai sang kotse sa Muntinlupa City, kahapon ng madaling araw.

Isinugod sa Ospital ng Muntinlupa si Sammy Alovera, 22, ng Bicutan, Taguig City, na nagtamo ng sugat sa kaliwang braso at paa.

Agad sumuko ang driver ng Hyundai CRD (AI 4680) na si Vince Caraeg, 43, ng Barangay Cupang ng nasabing lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Muntinlupa City Traffic Department, naganap ang insidente sa kahabaan ng East Service Road, Bgy. Cupang, dakong 1:00 ng madaling araw.

Ayon kay Caraeg, minamaneho niya ang Hyundai CRD sa east service road nang salpukin ng motorsiklo­ng minamaneho ni Alovera.

Sa lakas ng pagkakaban­gga, tumilapon ang rider at nawasak ang harapang bahagi ng motorsiklo gayundin ang sasakyan ni Caraeg.

Inaalam pa ng awtoridad kung nasa impluwensi­ya ng alak ang biktima at ang suspek nang mangyari ang insidente.

Samantala, nawalan ng preno ang isang 10 wheeler dump truck, na puno ng buhangin, at sumalpok sa perimeter ng Skyway ground lever sa nasabing lungsod.

Base sa ulat, natumbok nito ang isang nakaparada­ng motorcycle patrol ng Skyway, na nasa 300 metro ang layo sa Sucat interchang­e patungong Alabang, dakong 5:00 ng madaling araw.

Nakaligtas ang mga tauhan ng Skyway habang sugatan naman ang hindi pa nakikilala­ng driver ng dump truck na tumagilid at sumira sa bakod ng West Service road.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines