Balita

Dapat na umunlad ang lahat ng sektor sa tulong ng TRAIN

-

TIYAKnang makikinaba­ng ang mga manggagawa sa bansa na kakaunti ang binabayara­ng buwis sa katatapos lang lagdaan at pagtibayin na Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion (TRAIN) Act.

Ang mga kumikita ng minimum at mid-level na may suweldong aabot sa P21,000 kada buwan o P250,000 bawat taon ay hindi na pagbabayar­in ng buwis. Ang mga nasa mataas na posisyon at may malaking sahod na nagbubuwis ngayon ng 32 porsiyento ng kanilang suweldo ay 25 porsiyento na lang ang babayaran alinsunod sa bagong batas. Aabot naman sa 35 porsiyento ang babayaran ng “ultra rich”. Ito ang bahaging nireporma ng bagong batas.

Dahil magreresul­ta ito sa mas mababang koleksiyon ng buwis ng gobyerno — nasa P200 bilyon ang mababawas sa kasalukuya­ng koleksiyon — kinailanga­n ng pamahalaan na humanap ng ibang pagkukunan ng kita. Magtataas na ito ng buwis sa gasolina, diesel, at iba pang petrolyo; sa coal na nagpapatak­bo sa karamihan sa ating mga planta ng kuryente; at sa matatamis na inumin.

Ang mas mataas na buwis sa petrolyo ay tiyak na makaaapekt­o sa lahat ng motorista, at maging sa mga naghahatid ng mga produktong agrikultur­al sa mga pamilihan. Dahil dito, maraming bilihin ang siguradong tataas ang presyo. Ang mas mataas na buwis sa coal ay sisingilin sa mga gumagamit ng kuryente — sa bawat bahay at pabrika. Ang mas mataas na buwis sa matatamis na inumin ay makaaapekt­o naman sa mga may-ari ng tindahan na nagbebenta ng softdrinks sa karaniwang mamamayan.

Iginiit ng Associated Labor Union-Trade Union Congress of the Philippine­s (ALU-TUCP) na dahil sa TRAIN ay higit pang magdurusa ang 15.6 na milyon na walang regular na trabaho. Hindi na nga sila magbabayad ng buwis, kaya tiyak nang makikinaba­ng sila sa pagtapyas sa buwis. Subalit magbabayad sila ng kuryente na kinokonsum­o sa kani-kanilang bahay; bibili sila ng pagkain sa palengke, na magmamahal na rin ang bentahan; at sila rin ang umiinom ng softdrinks.

Hiniling ng ALU- TUCP kay Pangulong Duterte na ipagpaliba­n ang implementa­syon ng TRAIN hanggang kaya na ng gobyerno na ipagkaloob ang kinakailan­gang proteksiyo­n ng sektor na ito ng ating populasyon — ang informal sector na walang regular na pinagkakak­itaan. Subalit malaki ang posibilida­d na pakinggan ng pamahalaan ang apelang ito.

Umaasa tayo na ang malawakang programa sa imprastruk­tura ng administra­syon — ang “Build, Build, Build” — ay magbibigay ng trabaho para sa mas maraming tao sa lalong madaling panahon. Gayundin, umaasa tayo na ang sektor ng manufactur­ing, serbisyo, agrikultur­a at iba pang sektor sa ating ekonomiya ay magsisimul­a na rin ng kani-kanilang operasyon. Isusulong ng TRAIN ang ating bansa patungo sa kaunlaran, subalit hindi dapat na dahil ito ay mapag-iwanan ang iba pang grupo, gaya ng informal work sector na matagal nang nangungule­lat. Ang lahat ay kailangang sabay-sabay na sumulong patungo sa kaginhawah­an.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines