Balita

Senado, ginawang DoJ ni Gordon

- Ric Valmonte

SANAay natanganan at napamahala­an sa paraang makademokr­atiko at nakalahok ng lahat kung nagkaroon ng apat na oras ang mga senador na makapagtan­ong,” wika ni Sen. Riza Hontiveros. Tutal, aniya, ang Blue ibbon Committee ay collegial ody naman. Ang tinutukoy niya ang pamamaraan ng pagdinig naganap kamakailan ukol sa akuna ng Dengvaxia. Kaya raw ya nahirapan magtanong dahil kakulangan ng “latitude at exibility.” “Sana ganap na makapatano­ng ko sa susunod na pagdinig,” abi naman ni Sen. Francis angilinan. Sina Sen. Hontiveros at angilinan ay miyembro ng Blue ibbon Committee at Heath ommittee na magkasaman­g dumidinig ng kontrobers­iyal na Dengvaxia. Bagamat kasama ni Sen. Richard Gordon, bilang Chairman ng Blue Ribbon Committee, si Sen. J. V. Ejercito, ng Committee on Health, si Sen. Gordon ang halos nakita at narinig na namatnugot ng mga pagdinig. One-man show, ika nga. Kaya, ganoon na lang ang reklamo nina Sen. Hontiveros at Pangilinan at ang pag-asang sa mga susunod na pagdinig ay magkaroon naman sila ng pagkakatao­n at laya na makapagtan­ong sa mga inimbitaha­ng resource person ng dalawang komite.

Bagamat halos nasa sideline lamang si Sen. Ejercito, gayong Chairman siya ng Committee on Helath, hindi siya makapagrek­lamo sa ginawa ni Sen. Gordon na sinarili ang imbestigas­yon na parang ang kanyang komite lamang ang nagiimbest­iga. Marahail isinaalang­alang din niya na isa siya sa naglagay kay Gordon bilang Chairman ng nasabaing komite. Kasi nang si Sen. Leila Delima ang namuno ng komite, pinatalsik nila ito dahil hindi nila nagustuhan ang kanyang pamamaraan ng pag- iimbestiga sa isyu ng extrajudic­ial killing. Ayaw na nilang marinig pa ang inihilera ni Delima na mga resource person na nagdidiin kay Pangulong Digong sa pagkakasan­gkot nito sa extrajudic­ial killing. Kaya, pagkaupo ni Gordon na chairman ng Blue Ribbon Committee, hindi na niya pinagsalit­a ang mga resource person na kasama ng mga taga- Commission on Human Rights (CHR). Pinulaan pa niya na balewala ang ibinigay na testimonya ni Matobato na itinuro si Pangulong Digong na responsabl­e sa mga ilang pagpatay sa Davao City noong siya pa ang alkalde rito.

Ang problema kay Sen. Gordon, kung hindi pinagsalit­a ang mga resource person at mga taga CHR sa pagdinig ng extrajudic­ial killing laban sa Pangulo, pinagsalit­a naman niya ang hindi resource person sa pagdinig ng Dengvaxia. Nabahala si Sen. Franklin Drilon na hinayaang maghayag sa pagdinig ang hindi naman resource person. Kasi, pinahintul­utan ni Gordon si Atty. Ferdinand Topacio, kinatawan ng Volunteers Against Crime and Courruptio­n, na basahin ang inihanda niyang pahayag na inaakusaha­n si dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Secretary of Health Jeanette Garin ng plunder kaugnay ng P3.5 billion dengue immunizati­on program. “Hindi karapat- dapat ito,” sabi ni Sen. Hontiveros, “na ang hindi naman resource person ay payagan batikusin ang ilang personalid­ad at hilingin sa komite na mangalap ng ebidensiya para suportahan ang walang namang batayan niyang akusasyon.” Ginawa ni Gordon ang Senado na Department of Justice at House Committee on Justice na dumidinig ng impeachmen­t laban kay CJ Sereno.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines