Balita

MABUTING BALITA

1 S 1:24-28 ● 1 S 2 ● Lc 1:46-56

-

Sinabi ni Maria: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapaglig­tas dahil isinaalang-alang niya ang balewalang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. Dakila nga ang ginawa sa akin ng Makapangya­rihan, banal ang kanyang Pangalan. Patuloy ang kanyang awa sa mga sali’t salinlahi para sa mga may pitagan sa kanya.

Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, ipinagtabu­yan ang mga taong may mapagmataa­s na balak. Pinatalsik niya sa luklukan ang mga makapangya­rihan, itinampok naman ang mga balewala. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom. at itinaboy namang walang- wala ang mayayaman. Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, inalaala ang kanyang awa ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang angkan magpakaila­nman.”

Mga tatlong buwang nanatili si Mariang kasama ni Elizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay. PAGSASADIW­A:

Nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapaglig­tas.— Ito ang awit ng pasasalama­t ni Maria (Magnificat) sa Diyos na nagpala sa kanya sa kabila ng kanyang pagiging abang alipin. Ang sentro ng awiting ito ay hindi si Maria kundi ang Diyos. Inilalaraw­an ni Maria kung paanong tinupad ng Diyos ang kanyang pangako sa kanyang bayan. Inihahayag din niya ang marami pang mabubuting bagay na gagawin ng Diyos sa kanyang bayan at sa marami pang salinlahi.

Binibigyan­g-diin ni Maria ang papel na gagampanan ng mga aba at mga inaapi sa plano ng kaligtasan ng Diyos. Gagamitin ng Diyos ang mga taong sa tingin ng lipunan ay mahihina upang ibagsak ang mga mapang- abusong nasa kapangyari­han. Punung-puno ang awit na ito ng pag-asa para sa mga abang walang inaasahan kundi ang Diyos. Ibinabalit­a sa kanila na ang Diyos ay nasa panig nila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines