Balita

Kasayahan sa pagdadalam­hati

- Celo Lagmay

HINDIko ikinagulat ang mistulang pagtuligsa ni andra Cam sa isang Christmas arty na itinaguyod ng Philippine harity Sweepstake­s Office (PCSO) amakailan. Kahit sabihin pa na ang agbatikos sa naturang kasayahan wala sa lugar sapagkat siya ay ahagi rin ng naturang tanggapan ilang bagong miyembro ng Board Directors. Hindi dapat ipagtaka ang ayong nakagawian­g pagpuna ni am sa sistema ng pamamahala gobyerno at sa lipunan. Hindi siya kabagang, wika nga. Kahit aminsan-minsan lang ang aming pagkikita sa mga media forum, naniniwala ako na wala siyang pinalalamp­as na mga alingasnga­s na kailangang malantad sa sambayanan. Bilang Pangulo ng Whistle Blowers Group, kung hindi ako nagkakamal­i, dapat lamang asahan ang kanyang walang kinikiling­ang pagtuligsa sa baluktot na pamamahala.

Naniniwala ako na hindi maituturin­g na katiwalian ang itinaguyod na pagtitipon ng PCSO. Manapa, ito ay naglalayon­g paligayahi­n, hindi lamang ang naturang tanggapan, kundi halos lahat ng sektor na nangangail­angan ng atensiyon at ayuda.

Saksi ako sa gayong makatao at makabayang misyon ng PCSO. Halos lahat ng sektor ng sambayanan ay nakararamd­am ng pagkakawan­ggawa ng nasabing ahensiya. Dito idinudulog ang karaingan ng taumbayan, lalo na ang mga karamdaman; kabilang na ang pangangail­angan ng mga ospital, paaralan at maging ng iba pang ahensiya ng gobyerno na gahol sa pananalapi.

Hindi miminsan, halimbawa, bilang naging Pangulo ng National Press Club ( NPC), na ako ay dumulog sa PCSO sa kapakanan ng ating mga kapatid sa pamamahaya­g na dinadapuan ng mga karamdaman, kabilang na ang kanilang pamilya. Hindi ko matiyak kung ang ganitong makataong misyon ay magagawa pa natin sa kasalukuya­ng administra­syon.

Gayunman, hindi ko rin naman maaaring palampasin ang pagkakatao­n na ipahayag ang aking pagkadisma­ya sa wala-sa-panahong pagtaguyod ng gayong kasayahan, lalo na nga kung isasaalang-alang na matindi pa ang pagdadalam­hati ng ating mga kababayan sa Bicol at Visayas na sinalanta ng ‘Urduja’. Isipin na lamang na umaabot na sa mahigit 40 ang namamatay at milyun- milyong pisong halaga ng mga ari-arian ang napinsala sa naturang kalamidad.

Maipahahay­ag natin ang ating pakikirama­y sa nasabing mga calamity victims sa pagpapalib­an ng gayong maluhong pagtitipon at sa halip ay damayan ang ating mga kababayan; tulad ng nakagawian ng ibang sektor na may pusong dakila at tunay na mapagkawan­ggawa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines