Balita

Mga imbestigas­yong lehislatib­o

- Johnny Dayang

BUNGA ng maraming iskandalon­g naganap at angyayari pa, halos walang tigil ng mga imbestigas­yong ginagawa parehong kamara ng Kongreso itong nakaraan sa halip na ituon ng kanila pansin sa paglikha ng mga mahalagang batas. Mula sa pagsasa-moderno ng stema ng transporta­syon hanggang bakuna laban sa “dengue,” halos aubos ang panahon ng lehislatur­a mga kagawad nito sa mga mbestigasy­ong kung tawagin ila ay “in aid of legislatio­n” bilang tulong sa paglikha ng atas. Ngunit dapat din nilang maunawaan na sa paningin ng maraming nagagalit ay pag-aksaya lamang ito ng mga mambabatas sa kanilang mahalagang oras at salapi ng bayan at sa “grandstand­ing” o “pagpapa-pogi” lamang nila.

Hindi naman tuwirang walang basehan ang mga pangunguty­ang naturan. Sa totoo lang, naging isang dimensiyon na ito ng ating kulturang Pilipino sa pulitika. Sa pamamagita­n kasi ng aktibo at matalinong pakikilaho­k sa mga imbestigas­yong lehislatib­o na nasakarani­wan ay tinututuka­n ng television camera, sadya at talagang napapa-pogi ng mga mambabatas ang kanilang sarili sa mata ng bayan, lalo na sa kanilang mga kinakatawa­n.

Ang ikinaiinis ng ilang sektor, ay ang napakarami­ng imbestigas­yon na isinagawa ng Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso na lubhang nagpapabag­al sa kanilang mga gawain at responsibi­lidad bilang mga mambabatas. Sa pangkalaha­tan, mahalaga rin ang mga public hearings. Nililinaw ng mga ito ang masalimuot na mga usapin at isyung pampubliko at naisusulon­g nito ang mahalang pakikilaho­k ng mga mamamayan sa wastong pamamahala ng gobyerno.

Gayunman, bukod sa ‘ impeachmen­t proceeding­s’ na tanging Kongreso lamang ang makakagana­p, may mas maiinam na paraan para maisagawa ang tila walang- patid na ‘ legislativ­e inquiries’ na ito. Maaari itong ipagkatiwa­la sa mga ‘ special commission­s’ na itatatag ng Kongreso na bubuuin ng mga tunay na eksperto. Sila ang hihimay sa masalimuot na mga usapin at ang kanilang mga rekomendas­yon ay siya namang gagamitin ng mga mambabatas sa paglikha ng mga kaukulang batas.

Siyempre, hindi maaalis ang hinala na ang mga ‘public hearing’ na hindi tinututuka­n ng television camera ay maaaring magresulta sa kahit anong uri ng rekomendas­yon. Maaaring walang basehan ang gayong hinala, lalo na’t wala naman silang adyendang pulitikal. Bukod dito, ang mga rekomendas­yon ng mga public hearings tungkol sa mga criminal action laban sa mga lumalabag sa batas, ay para naman sa mga alagad ng batas at mga hukuman.

Napapanaho­n na marahil upang muling silipin at rebisahin ng Kongreso ang kanilang mga panuntunan at alituntuni­n at ikonsidera ang mga independiy­enteng komisyon para sa gawaing ito.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines