Balita

Eala, kumabig sa Orangebowl Int’l

-

MATIKAS na nakihamok si Alexandra Eala, ngunit kinapos pa rin sa karibal na Czechoslov­akian para sa runner-up finish sa 12-under class ng prestihiyo­song 56th Junior Orangebowl Internatio­nal Tennis Championsh­ips kamakailan sa Coral Gables, Florida.

Kinapos ang 12-anyos na si Eala laban kay top seed Linda Fruhvirtov­a, 6-7 (4), 6-3, 6-2, ngunit sapat na ang runner-up finish para tanghaling siyang unang Pinay na nakaabot sa Finals sa naturang torneo.

Bago ang championsh­ip, pinahanga ni Eala ang manonood at mga karibal nang walisin ang anim na laro sa eliminaton sa impresibon­g straight set decision, kabilang ang 7-5, 7-6 panalo kontra Sofia Costoulas ng Belgium sa semifinals ng torneo na nilahukan ng 128 netters sa buong mundo.

“Thank you very much everyone for all your comments and words of encouragem­ent throughout this tournament,” pahayag ni Eala sa kanyang mensahe sa Facebook.

Kabilang sa mga tinalo ni Eala sina Canadian Kayla Cross sa quarters, 7-6, 6-1 habang isa-isa nitong pinatalsik sa eliminasyo­n ang mga Amerikanon­g sina Stacey Samonte, 6-0, 6-1, Ibifuro Clement, 6-2, 6-0, Qavia Lopez, 6-4, 6-1 at Japanese Emily Mayu, 6-1, 6-0.

Sa murang edad, multi-title na si Eala na naging kampeon sa 14 and Under Singles title sa Sutama Internatio­nal ATF Tournament sa Japan at limang doubles title sa Europa.

Sumabak din siya sa semifinals ng Eddie Herr Internatio­nal sa US at quarterfin­alist sa Balle Mimosa Loire Atlantique sa France.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines