Balita

31 lugar pinag-iingat sa bagyong ‘Vinta’

- Rommel P. Tabbad

Isinailali­m sa Signal No. 2 ang anim na lalawigan sa Mindanao, habang 25 pang lugar sa Visayas at Mindanao ang apektado sa bagyong ‘Vinta’.

Batay sa weather bulletin ng Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion ( PAGASA), kabilang sa mga isinailali­m sa Signal NO. 2 ang Surigao del Sur, Surigao del Norte, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, at Compostela Valley.

Nasa Signal No. 1 naman ang mga lugar sa Surigao del Norte, kasama na ang Siargao Islands, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur at Northern Davao Oriental; Southern Leyte, Southern Cebu, Siquijor, Bohol, katimugang parte ng Leyte, Dinagat Island, Camiguin, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Bukidnon, Lanao del Norte, Lanao del Sur, North Cotabato, Maguindana­o, iba pang bahagi ng Davao Oriental, Northern Davao del Sur, Compostela Valley, Davao del Norte, at Zamboanga del Sur.

Sinabi ng PAGASA na huling namataan ang bagyo sa layong 340 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Taglay nito ang lakas ng hanging 65 kilometer per hour (kph) at bugsong 80 kph.

Kumikilos ang Vinta pakanluran sa bilis na 80 kph.

Ngayong umaga, tinataya ng PAGASA na ang bagyo ay nasa bisinidad ng Cagwait, Surigao del Sur, at sa Lunes, ito ay tinatayang nasa layong 655 kilometro sa kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan.

Binalaan din ng PAGASA ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging alerto sa baha at landslides dulot ng nasabing bagyo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines