Balita

Empoy-Ellen movie, ‘ di na matutuloy

- Ni REGGEE BONOAN

HINDIna matutuloy ang pelikulang pagsasamah­an nina Empoy

Marquez at Ellen Adarna na ipo- produce sana ng Star Cinema dahil nga nasa interestin­g stage ngayon ang sexy star kahit hindi pa niya ito pormal na inaamin.

Pero base naman sa mga naglalabas­ang posts niya sa IG account, halatang buntis ang dalaga courtesy of John Lloyd Cruz na nakitang magkasama pang nagpa-check up sa St. Luke’s Hospital kamakailan.

Pero hindi pinakawala­n ng Star Cinema si Empoy dahil may kapalit agad ang nawalang project with Ellen, sila na ni Zanjoe

Marudo ang magkasaman­g ididirek ni Victor Villanueva, ang indie filmmaker ng gumawa ng critically acclaimed comedy na Patay na si Hesus.

Si Empoy ang biggest actor of 2017 sa laki ng kinita ng Kita Kita, kaya naman solo niya ang entablado sa nakaraang ABS-CBN Christmas Special sa Smart Araneta Coliseum.

Samantala, ni-reinvent na Empoy daw ang mapapanood sa teleseryen­g pagsasamah­an nila nina Alessandra

de Rossi, Arci Muñoz, at Piolo Pascual under Dreamscape Entertainm­ent na mapapanood sa 2018.

“Bagong Empoy ito, Reggs,” kuwento ng Cornerston­e talent handler na si Mac Merla, “hindi ‘ yung the usual na nagko- comedy lang kasi sinigurado ni Papa P na bagong atake. Sobrang inalagaan siya rito ni Papa P.”

Isa si Piolo sa producers ng Kita Kita under Spring Films kaya inaalagaan niya ang imahe ni Empoy bukod sa pangangala­ga ng Cornerston­e Talent Management.

 ??  ??
 ??  ?? Ellen
Ellen
 ??  ?? Empoy
Empoy

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines