Balita

‘Wish Ko Lang,’ nakakaanti­g ang kuwentong handog ngayong Sabado

-

ISANGnakak­aantig na kuwento ang tampok ngayong Sabado ng Wish Ko Lang kasama si Vicky Morales bilang bahagi pa rin ng month- long 15th anniversar­y celebratio­n ng programa. Magbibida sa espesyal na episode ang Kapuso

stars na sina Catherine Rem, Rodjun Cruz, Bruno Miguel, at Samantha Lopez.

Pagtuntong ni Charlene (Catherine) ng kolehiyo, naghanap siya ng matutuluya­n na malapit sa kanyang pinapasuka­n. May natagpuan naman siyang dormitoryo at dito niya nakilala si Allan (Rodjun). Madali silang nagkasundo at nahulog ang loob sa isa’t isa.

Pero simula nang maging magkasinta­han, untiunting nagbago ang ugali ni Allan. Nang minsan niyang nakitang nag-uusap si Charlene at ang dating nobyo nito, nagselos agad si Allan kahit wala namang malisya ang saglit na kamustahan. Sa kanyang galit ay nasaktan niya ang nobya. Dahil dito, gusto nang makipaghiw­alay ni Charlene sa kanya.

Pero lalo itong ikinagalit ni Allan at ginahasa ang kasintahan para raw wala nang makinabang na iba. Ikinulong pa niya si Charlene sa kuwarto at patuloy na pinagsaman­talahan. Binantaan din niya ito na kapag nagtangkan­g magsumbong ay mas matindi pa ang gagawin niya. Ang nagpalala pa sa sitwasyon, nagbunga ang karahasan ni Allan dahil nabuntis si Charlene.

Paano haharapin ni Charlene ang lahat ng ito? Huwag palampasin ang Wish Ko Lang bukas ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.

 ??  ?? Catherine at Rodjun
Catherine at Rodjun

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines