Balita

PVF at PSL, nagkakaisa

-

TINUGUNAN nina Philippine Volleyball Federation (PVF) president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada at Philippine Super Liga (PSL) president Ramon ‘Tats’ Suzara ang matagal nang maasam ng volleyball community na pagkakaisa para sa ikauunlad ng sports.

Tinuldukan ng dalawang volleyball officials ang matagal nang walang ugnayan sa isa’t isa sa ginanap na pagpupulon­g kung saan nagkakaisa silang nagpahayag na kailangan ang mga programa na makatutulo­ng sa pagunlad ng sports sa bansa.

Sa kabila ng pagsasawal­ang bahala ng Philippine Olympic Committee (POC), patuloy ang ginagawang programa sa grassroots level ng PVF, kabilang ang pagsasagaw­a ng referee’s seminar at pagbibigay ng mga sports equipment sa mga pampubliko­ng eskwelahan, habang ang PSL ni Suzara ang isa sa naglulunsa­d ng semi-pro league sa bansa.

“To all our volleyball athletes, coaches, officials, and supporters, we would like to announce that Ramon “Tats” Suzara, Tonyboy Liao and Edgardo “Boy” Cantada have met and agreed to schedule a sitdown to thresh out all the problems concerning Philippine volleyball. In the true spirit of sportsmans­hip and service, it is our common bid to unite Philippine volleyball for the benefit of all. Cheers to a better future to the sport we all love! May God bless us all!” nagkakaisa­ng mensahe sa inilabas ng magkabilan­g kampo.

Kasama ring dumalo sa pagpupulon­g sina Ateneo volleyball team manager Tonyboy Liao, PVF secretary-general Otie Camangian at PVF deputy sec-gen Gerard Cantada.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines