Balita

R75k droga nasamsam sa 3 drug suspects

- Alexandria Dennise San Juan

Tinatayang aabot sa P75,000 halaga ng ilegal na droga ang nasamsam mula sa tatlong lalaki, kabilang ang magkapatid, sa pinagsanib na operasyon sa Barangay Payatas B, Quezon City nitong Huwebes.

Kinilala ni Quezon City Police District director Chief Superinten­dent Guillermo Eleazar ang tatlo umanong drug personalit­ies na sina brothers Mark Anthony Zafra, 30, at Mark John Zafra, at Ariel Agustin, 35, pawang ng Bgy. Payatas B.

Sumalakay ang mga miyembro ng QCPD Drug Enforcemen­t Unit, sa pangunguna ni Chief Inspector Ferdinand Mendoza, katuwang ang mga operatiba ng Special Reaction Unit, Batasan Police Station (PS-6), at ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency matapos mag-isyu ang QC court ng search warrant laban sa tatlo dahil sa ilegal na aktibidad.

Sinabi ng pulis na isang concerned citizen ang nag-tip sa kanila hinggil sa ilegal na aktibidad ng tatlo na nagresulta sa pagbuo ng warrant of arrest.

Isinagawa ang operasyon sa bahay ng mga suspek sa kahabaan ng Ipil-ipil Street sa Bgy. Payatas B, bandang 4:45 ng hapon.

Nang marating ang nasabing lugar, sinabi ni Mendoza na iba’t ibang drug parapherna­lia ang natagpuan sa bahay.

Nakuha mula sa mga suspek ang 35 pakete ng umano’y shabu, na may bigat na 15 gramo, na tinatayang nagkakahal­aga ng P75,000, iba’t ibang drug parapherna­lia, isang pistol barrel at mga bala, na naging sanhi ng kanilang pag-aresto.

Ikinulong ang mga inaresto sa QCPD Headquarte­rs at mahaharap sa drug-related charges at illegal posession of firearms.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines