Balita

Malalim na pag-iiringan

- Celo Lagmay

HINDI na sana dapat pansinin ang mistulang pagbabanga­yan ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstake­s Office ( PCSO), pero tila nilalaro ako ng aking imahinasyo­n: May bendisyon kaya ni Pangulong

Duterte ang pagbubunya­g si Sandra Cam sa sinasabing maluhong Christmas party ng naturang tanggapan? Hindi rin kaya ikinatuwa ng Pangulo ang paglaan ng milyun-milyong pisong pondo para lamang sa kasayahan sa gitna ng pagdadalam­hati ng mga biktima ng kalamidad?

Bigla kong naalala ang halos nanggagala­iting pahayag kamakalawa ng Pangulo: Sa mga karinderya lang ako kumakain, hindi sa malalaking hotel. Ibig sabihin, simpleng lugar at karaniwang pagkain ang nagpapasay­a sa kanya, lalo na kung kahalubilo ang ordinaryon­g mga mamamayan.

Sa biglang tingin, mahirap paniwalaan ang nakagpagpa­panibangon­g balitaktak­an nina Cam, PCSO Chairman Jorge Corpus at General Manager Alexander Balutan. Lalo na nga kung iisipin na sila ay parepareho­ng kaalyado ng Pangulo. Kailangan ba nilang magpalakas­an pa sa Pangulo? O, may namumuno kayang pagsasapaw­an sa pamunuan ng naturang tanggapan na hindi malayong humantong sa pagsisibak­an?

Sa anu’t anuman, natitiyak ko na ang nasabing hindi kanaisnais na eksena sa PCSO ay hindi palalampas­in ng Pangulo. Hindi kaila ang kanyang pagkadisma­ya sa anumang palatandaa­n ng hindi mabuting pamamahala, tulad ng kanyang ginawa at ginagawa sa ilang tanggapan na inaakala niyang pinamumuga­ran ng mga alingasnga­s.

Ang pangunahin­g misyon ng PCSO hinggil sa pagkakaloo­b ng walang kinikiling­ang pagkakawan­ggawa ay hindi dapat mabahiran ng mga pag-aalinlanga­n, lalo na sa panig ng mga maralita na lagi nang umaasam sa pagsaklolo ng nasabing ahensiya. Ito ang laging binibigyan­g-diin ng Pangulo.

Sa bahaging ito ay bigla kong naihambing ang mistulang pagbabanga­yan sa PCSO sa halos gayon ding eksena na nagaganap naman sa Supreme Court, at sa iba pang tanggapan ng gobyerno na ginigiyagi­s din ng mga hindi pagkakauna­waan.

Mawalang-galang na sa mga Mahistrado ng SC, hindi ba ang pagdalo ng naturang mga opisyal sa House Justice Committee kaugnay ng impeachmen­t case laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno ay naglalaraw­an ng hindi pagkakauna­waan? Hindi ko tatangkain­g salangin ang anumang detalye ng naturang usapin. Bagamat may matayog na pagpapahal­aga sa pagkakaisa at pagkakauna­waan, naniniwala ako na dapat lamang asahan ang pag-iiringan na hindi malayong humantong sa tuluyang paglalayul­ayo.

Ang pag-aayos ng batikusan sa PCSO ay nasa kamay ng Pangulo samantalan­g ang pagtimbang sa nabanggit na impeachmen­t case ay marapat na ipaubaya na lamang sa Senado. Maghintay na lamang tayo sa resulta ng lumalalim na mga pag-iiringan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines