Balita

Maine, nagpakita ng alindog sa Miami

- Ni NORA CALDERON

SUMMER pa para kay Maine Mendoza, sa pagbabakas­yon niya at ng mga kapatid na sina Nico, Coleen at Dean sa Florida.

Muling nag-post si Maine displaying her beautiful figure sa Southbeach. Ang travel buddy niyang si Coleen ang kasama niya at ang post nito, “Woke up in Miami.”

Unang nagkasama ang magkapatid, parehong beach lover, sa beach sa ibang bansa sa Maldives early 2017.

Caption naman ni Maine: “It’s (kind of) summer somewhere.”

Pagkaraan lamang ng ilang oras simula nang i-post ni Maine ang photo, umabot agad ng 3,000 comments na ang karamihan ay nagwi-wish na enjoy siya sa bakasyon. Pero marami rin ang nagsabing naiinip na silang makita siyang muli kaya bumalik na raw agad sa Pilipinas. Nagsa-suggest naman ang iba ng restaurant­s na masarap daw ang pagkain at iba pang lugar na puwedeng puntahan like Universal Studios.

Comment naman ng iba, kung lamig na lamig si Alden Richards at pamilya nito, na nasa Tokyo, Japan na ngayon at madalas mag-post ng lowest temperatur­e doon (minus 8 degree, tulad nang pumunta sila sa Mt. Fuji), ‘hot’ daw naman ang posting ni Maine.

Nakasubayb­ay ang fans nila sa bawat post nina Alden at Maine ng mga whereabout­s nila. Hinihintay rin kung paano sila magsi-celebrate ng Christmas sa ibang bansa na hindi gaanong binibigyan­g-pansin ang Pasko, hindi tulad dito sa atin na kinikilala nang pinakamasa­ya ang pagdiriwan­g sa pagsilang ni Jesus Christ.

 ??  ??
 ??  ?? Maine Alden
Maine Alden

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines