Balita

Refund, libreng sakay alok sa stranded na OFWs

- Roy C. Mabasa at Ariel Fernandez

Handa ang isang Philippine-based travel agency na i-refund ang ibinayad ng malaking bilang ng overseas Filipino workers sa Hong Kong na na-stranded dahil sa diumano’y “system failure” sa pagpoprose­so ng kanilang travel bookings at tickets.

Ito ang tiniyak ng Peya Travel na kahit nag-alok na ang pamahalaan ng libreng air transport sa mga na-stranded na OFWs para makauwi sa Pasko at makapiling ang kanilang mga pamilya sa Pilipinas.

“It was never an intention of Peya Travel to harm anyone. Peya Travel is deeply saddened by the unfortunat­e event caused by the system. We appeal for understand­ing and sobriety as this was unforeseen and beyond our control,” saad sa mensaheng ipinaskil sa Facebook account ng travel agency nitong Huwebes ng gabi.

Nauna rito, inaprubaha­n ng Malacañang ang panukala ng Department of Labor and Employment (DoLE) at ng Department of Foreign Affairs (DFA) na agapayan ang 1,000 OFWs na naloko ng travel agency.

Nakikipag-uganayan na ang Peya kay Acting Consul General Eric Atienza at Vice Consul Bob Quintin ng Philippine Consulate office sa Hong Kong para maisayos ang refund.

Aalalay din ang Cebu Pacific, at naglaaan ng 50 upuan sa flight 5J 119 sa Disyembre 25, 2017 para maisakay ang mga pauwing Pinoy.

Aalis ang eroplano sa Hong Kong dakong 7:25pm at darating sa Manila dakong 9:40 pm. Sasagutin ng Cebu Pacific ang gastos ng roundtrip flight ng 50 OFWs na sasakay sa kanilang eroplano.

Nakikipagt­ulungan na ang Cebu Pacific sa DoLE at sa Philippine Consulate sa Hong Kong para sa travel arrangemen­ts.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines