Balita

Ken Chan, nag-enjoy sa unang U.S. trip

-

KUNG nakipagpus­tahan kami kay Ken Chan na mag-i-extend siya ng bakasyon niya sa Amerika, nanalo sana kami dahil hindi siya nakabalik ng Pilipinas noong December 10 gaya ng sinabi niya. Sabi kasi ni Ken, 10 days lang siya sa Amerika dahil hindi siya pinayagan ng GMA Artist Center, pero nag-enjoy ang Aktor sa first US trip niya, kaya ilang araw siyang nag-extend. As of yesterday, nahinto ang pagpo-post ni Ken sa Instagram ng mga lugar na pinuntahan niya sa Amerika, kaya malamang na pabalik na siya o nakabalik na. Nasunod ang binanggit niyang itinerary dahil nakapunta siya sa Los Angeles, Sta. Monica, Anaheim (sa Californin­a), Las Vegas, Maryland, Washington D.C. at New York. Ang hindi lang yata napuntahan na nasa plano ni Ken ay ang Chicago.

Natupad din ang pangarap niyang makapanood ng Broadway musical dahil may post siya nang manood ng Charlie

and The Chocolate Factory. Napuntahan din niya sa New York ang Serendipit­y restaurant na location ng maraming Hollywood movies kabilang ang romcom movie na Serendipit­y.

Hindi lang akalain na maba-bash si Ken dahil sa ipinost na picture na hinahalika­n niya ang wax figure ni

Selena Gomez na naka- display sa Madame Tussauds Wax Museum sa New York.

Hindi yata napansin ng basher na wax figure lang ang hinalikan ni Ken at nilagyan ng caption na, “I love you Selena”. Sinabihan si Ken ng, “Hindi ka magugustuh­an ni Selena, ikakasal na sila ni The Weekend yuks love ka ba ni Selena mukhang hindi naman ka nya love” na sinundan pa ng, “Hindi naman mahal ni Selena si @akosikench­a hindi na sila bagay at parang hindi si Selena Gomez??? Kakaiba yung mukha.”

Tumigil lang ang basher nang ipamukha sa kanya ng ibang followers ni Ken na wax figure lang ang hinalikan ni Ken, kaya wala itong boyfriend na magseselos. Tila malabo ang mga mata ng basher.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines