Balita

Direk Dan, nahirapan sa bagong pelikula nina Jennylyn at Derek

- Ni REGGEE BONOAN

INAMIN ni Direk Dan Villegas na nahirapan siyang idirek ang All of You dahil sume-segue siya sa seryeng Ikaw Lang Ang Iibigin nina Gerald Anderson, Kim Chiu na magtatapos na sa Enero.

“Medyo hirap nga po ako, kasi ‘ yung experience of making the film, kasi ‘yung English

Only, second film ko na ‘yun so naninibago pa ako, ‘tapos ‘yung Walang Forever parang kabuuan.

“Kaya challengin­g itong All of You ‘tapos ako rin ang nagsulat. ‘Pag napanood mo ang hirap i-balance ‘yung relationsh­ip, gusto naming ipakita na wala namang masama sa dalawang taong magkarelas­yon,” kuwento ng direktor nina

Derek Ramsay at Jennylyn Mercado. Hawig ba ito sa ilang taon na ring relasyon nila ni Direk Antoinette Jadaone?

“Hindi po, malayo po,” mabilis niyang sagot.

Pero ang sabi naman ng Quantum Films producer na si Atty. Joji Alonso ay mas maganda ang pelikulang ito nina Jennylyn at Derek kumpara sa English Only, Please.

“Hindi ko po alam, kasi ako kapag nagdya- judge ako ng film na gawa ng grupo namin, hindi ko ihiwalay sa iba. Parang from concept (conceptual­ization), to shooting, to post,” sabi ng direktor.

Ang English Only, Please pa rin ang paborito ni Direk Dan sa tatlong pelikulang naidirihe niya (mas madalas siyang director of photograph­y). Sumakto raw na magtatapos na ang Ikaw Lang

Ang Iibigin at natapos na rin itong All of You dahil uumpisahan na niya ang Pedro Penduko (ni James

Reid) as direktor, pero, “I’m producing the JaDine movie of Tonette under Viva Films.

“Kami po ni Tonette ang magkasama sa JaDine movie, ako producer siya (Tonette) ang direktor, so pahinga po muna ako sa soap,” saad ng direktor na simula nang makilala namin hindi nagbabago ang malumanay na pagsasalit­a.

For nth time, tinanong namin si Direk Dan kung kailan naman siya magpo-propose kay Direk Tonette.

“Napi-pressure naman ako sa ‘yo, kapatid,” sabay tawa. “Sa tuwing iinterbyuh­in mo talaga ako, kinakabaha­n ako. Soon siguro po. Pero sure naman na si Tonette,” natawang sabi ng mahusay na filmmaker.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines