Balita

Carolina Herrera, cool lang sa mga nangongopy­a ng kanyang designs

- Cover Media

HINDI nagagalit si Carolina Herrera kapag nakikita niyang kinokopya ang kanyang mga disenyo. Nakilala ang Venezuelan- American fashion designer sa pagdadamit sa U.S. First Ladies, kabilang sina Jacqueline Kennedy, Laura Bush, Michelle Obama at Melania Trump.

Kahit madalas kopyahin ang kanyang mga disenyo o binabanggi­t ng mga nagbebenta ng tela, nauunawaan niya kung bakit ito nangyayari.

“I always say that all the fashion designers in the world are working for Zara. We are all working for

Amancio Ortega (may-ari ng Zara),” aniya sa Times magazine, at idinagdag na balewala sa kanya kung kinokopya man ang kanyang mga gawa. “I feel happy because it means it’s a great success. Zara is going to sell it everywhere.”

Idinagdag ni Herrera na namimili siya sa Zara at Massimo Dutti boutiques, at sa pagbisita niya kamakailan sa Madrid ay bumili siya ng ilang “pretty embroidere­d slides”.

Kilala ang 78anyos sa kanyang chic personal style ngunit inamin na walang standardis­ed formu la para maging maganda ang hitsura. “It’s difficult to define. It’s not what you are wearing, but how you are wearing it. It’s a personal thing that reflects what you are. I don’t want to show half-naked women because it is a trend and because everyone else is doing it,” sabi ng fashion mogul. Madalas lumabas si Herrera sa kanyang runway shows at red carpet events na nakasuot ng classic white shirt na naka-tuck in sa palda, ang kanyang signature outfit. Ngunit iginiit ng designer na ito ay humble dress na tunay na dapat maging wardrobe staple ng lahat na kababaihan. “What does every woman look good in? Whatever her age and size? A dress. It’s not a pair of jeans. It’s a dress. You have to get the proportion­s right. The dress shouldn’t wear you, you should wear the dress,” dagdag niya.

 ??  ?? Carolina
Carolina

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines