Balita

‘Wag mawalan ng pag-asa— Cebu archbishop

- Kier Edison C. Belleza

Nanawagan si Cebu Archbishop Jose Palma sa mga mananampal­ataya na huwag mawalan ng pag-asa sa kabila ng mga problemang kinakahara­p ng bansa at ng bawat komunidad ngayong taon.

Binanggit ni Palma ang limang buwang bakbakan sa Marawi City, Lanao del Sur, na walang itinira kahit isang gusali sa lugar kung saans naganap ang palitan ng bala sa pagitan ng Maute rebels at government troops.

Ito ay isang pagsubok sa pagkakaisa ng bansas, ani Palma.

Ginunita ni Palma ang pagkamatay ni Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal, na hanggang ngayon ay ipinaglulu­ksa ng Archdioces­e of Cebu.

“All these, we can say, has brought unhappines­s to the country, to the Filipinos but that’s the mystery of life… This Christmas, we are given the reminder that no matter what happens, God is always with us. Let us not lose hope,” ani Palma.

Sinabi rin ng 67-anyos na si Palma na hindi sa kamatayan natatapos ang lahat.

Aniya, ang bawat indibiduwa­l ay dapat magsilbing regalo sa kanilang kapwa sa pagpaparam­dam sa kanilang kapitbahay ang masayang pagdiriwan­g ng Pasko at pagpaparam­dam na hindi sila nag-iisa.

“Each and everyone of us should be an instrument of joy and hope to other people just as we were a gift from God the Father,” sabi niya.

Sa paraang ito, ayon sa Archbishop, ang mundo ay mas magiging mapayapang pamuhayan.

Ngayon, Bisperas ng Pasko, nais ni Palma na magnilay-nilay ang mga tao sa kahalagaha­n ng Nativity Scene o “Belen,” isang paalala na si Kristo ang sentro ng kasaysayan ng mundo.

“I would like you to reflect on how the child Jesus was born in a crib surrounded by animals. That happened because no one received Mary and Joseph in their homes,” ayon kay Palma.

Ipinagdiin­an niya na dapat buksan ng mga mananampal­ataya ang kanilang puso para kay Hesus.

“He shouldn’t have been born there because He is God. And so we tell him ‘Lord, if there are people who did not accept you, I invite you to live in my heart. I welcome you in our family. We welcome you in our community,’” dagdag ni Palma.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines