Balita

Special Investigat­ion Team para kay Ica Policarpio

- Bella Gamotea

Binuo ng Southern Police District (SPD) ang Special Investigat­ion Team “ICA” kaugnay ng pagkawala ng pamangkin ng isa sa mga gabinete ni dating pangulo at ngayo’y Manila City Mayor Joseph Estrada na si Patricia “Ica” Policarpio. Huli siyang nakita sa isang coffee shop sa Muntinlupa City nitong Disyembre 21.

Epektibong binuo nitong Biyernes, sinabi ni SPD Director Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr. na ang SIT ICA ay pangunguna­han nina Muntinlupa City Police chief, Senior Supt. Dante Novicio at Chief Insp. Ritchie Salem, kasama ang Intelligen­ce Investigat­ion at Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng pulisya.

Aniya, bukod pa rito ang suporta ng District Investigat­ion Unit, District Intelligen­ce Unit, Southern Metro Manila-Criminal Investigat­ion and Detection Group, Parañaque Intelligen­ce and Investigat­ion Section at ang koordinasy­on ng iba pang Philippine National Police (PNP) units at contacts sa Cavite.

Base sa inisyal na ulat, huling nakita sa labas ng isang coffee shop sa East Service Road, Barangay Sucat, Muntinlupa City si Ica, 17, pamangkin ni dating Presidenti­al Legislativ­e Liason Office chief Jimmy Policarpio, nitong Disyembre 21 dakong 10:30 ng gabi.

Nabatid na tumambay si Ica sa coffee shop mula hapon hanggang gabi at lumabas ito para magpabarya dahil walang panukli sa kanyang ibinabayad.

Nakunan pa ng closed-circuit television (CCTV) camera ang paglalakad ng biktima palabas ng coffee shop.

Naiwan sa coffee shop ang cell phone at iba pang mga personal na gamit ng dalagita.

Sa Facebook account ng kanyang kapatid na si Bea Policarpio, nabatid na ang suot ni Ica bago ito mawala ay semi-rounded glasses, asul na sweater na may stripes sa manggas, itim na pantalon, puting sapatos at lightcolor­ed na beanie.

Pakiusap ng magulang at kaanak ni Ica sa publiko, agad ipagbigay-alam sa kanila sa oras na makita ito at maaaring tumawag sa 0917-8946893.

Kaugnay nito, ipinanawag­an din sa publiko na huwag magpakalat ng maling impormasyo­n, partikular sa text messaging at social media, hinggil sa pagkawala ni Ica.

“We appeal for people not to spread unconfirme­d informatio­n. We are in constant communicat­ion with the parents of Ica Policarpio and the police are doing all efforts to bring ICA home safely the soonest, with God’s help. We have positive developmen­ts. We will keep you informed,” pakiusap ni Apolinario.

Aniya, nakatangga­p siya ng fake news na kumakalat ngayon sa Internet at sa text messaging na pawang hindi kumpirmado­ng impormasyo­n at kailangan ng kaukulang beripikasy­on.

Isang babaeng hindi pinangalan­an ang umano’y na-rescue ng Philippine National Police (PNP).

“Thank God she was rescued already by the PNP. 1 PNP died and 4 kidnappers dead, the big boss still alive and they used gov’t vehicle so under investigat­ion. She was brought all the way to Nueva Ecija but she was rescued somewhere in Bulacan. She’s with the Mom now in Camp Crame. Ransom amount P15million negotiatie­d P1.7million good thing na rescue bago ibigay yung pera,” mababasa sa kumakalat na fake news.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines