Balita

2 ticket scalper kakasuhan ng MMFF Execom

- Martin A. Sadongdong

Nakatakdan­g magsampa ng kaso ang Metro Manila Film Festival (MMFF) Executive Committee laban sa dalawang lalaki, kapwa may koneksiyon sa Metropolit­an Manila Developmen­t Authority ( MMDA), matapos silang arestuhin ng National Bureau of Investigat­ion ( NBI) sa pagbebenta ng libreng movie passes.

Ayon kay MMFF Execom Chairman Tim Orbos, kakasuhan ang mga suspek, kabilang na ang grave abuse of authority at derelictio­n of duty, tinanggiha­n niyang pangalanan.

Nadiskubre na konektado sa MMDA ang dalawa, aniya.

“It is saddening but but they should be punished. We will impose proper sanctions. We pity them because it’s Christmas season and we will let it go for two days but we will file the charges by Tuesday,” paliwanag ni Orbos.

Sinabi niya na inaalam na nila kung ang dalawa ay may kinabibila­ngang grupo, idinagdag na tatlo talaga ang suspek sa likod ng insidente—at ang isa ring ito ay konektado rin sa MMDA.

Ang insidente, aniya, ay ilang taon nang on going at ito ay matagumpay na na-advertise sa social media.

Kamakailan lang, inaresto ng mga tauhan ng anti-cybercrime group ng NBI si Cyril Pama, MMDA employee, at si Mark Gerald Mamaid, sinasabing anak ng MMDA employee sa pagbebenta ng MMFF tickets sa Pasay City.

Sa susunod na taon, sinabi ni Orbos na pag-aaralan nila ang distributi­on process ng libreng MMFF passes.

Aniya, mas magiging mapagmatya­g sila at siniguro na “only those who worked hard”, upang maging matagumpay ang film festival, ang pagkakaloo­ban ng movie passes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines