Balita

Contractor kinasuhan sa pekeng cigarette stamps

- Jeffrey G. Damicog

Nahaharap sa criminal complaint sa Department of Justice (DoJ) ang isang contractor matapos masamsaman ng sigarilyo na may pekeng internal revenue stamps na nagkakahal­aga ng mahigit P12 milyon.

Naghain ng reklamo ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa DoJ laban kay Jeric Ursua Maninang, ng San Fernando, Pampanga at may constructi­on business.

Sa nasabing reklamo, inakusahan si Maninang ng unlawful possession of articles subject to excise tax without payment of the tax; possessing false, counterfei­t, restored or altered stamps; at unlawful pursuit of business na paglabag sa Sections 263, 265(c) at 258, ayon sa pagkakasun­od, ng National Internal Revenue Code of 1997.

Sinabi ng BIR na inimpound ng Bacolor Municipal Police Station ang isang truck na may marking na “RPJ Dry Goods.”

Sa paglitaw ni Maninang sa pulisya at nagpakilal­ang may-ari ng truck, pinabuksan sa kanya ang container na nadiskubre­ng naglalaman ng kahon-kahong sigarilyo.

Naghinala sa mga nilalaman, nakipagtul­ungan ang pulisya sa BIR na i-validate ang authentici­ty ng stamps sa mga produkto ng sigarilyo.

“Based on the four-day validation activity conducted by the BIR, 100 percent of the total stamps tested on the cigarette packs in the truck were found to be fake and were confiscate­d,” ayon sa BIR.

Dahil dito, sinabi ng BIR na si Maninang “evaded payment of the correct excise tax amounting to a total deficiency excise tax of PhP12,447,000.00, inclusive of increments.

“Further, Respondent Maninang did not declare/register said business with the BIR. As a result, he failed to pay the required annual registrati­on fee. He was also not given any authority to print receipts for his undertakin­gs. As such, the receipts being used and issued by him in connection with the sale of cigarettes were considered unregister­ed receipts,” dagdag nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines