Balita

Happy birthday, Jesus!

- Bert de Guzman

BAGAMAT

hindi batid ang tunay na petsa ng kapanganak­an ng Dakilang Sanggol o Mesiyas, ipagdiriwa­ng bukas (Disyembre 25) ng mananampal­atayang Pilipino ang pagsilang ni Hesus na anak ng Diyos. Hindi marahil importante kung ano ang eksaktong petsa ng Kanyang kapanganak­an, ang mahalaga ay ang diwa, aral, at adhikain kung bakit Siya isinilang sa isang sabsaban gayong Siya ang tunay na Hari ng mga hari.

HAPPY BIRTHDAY, my dear Jesus! Maligaya at Mapayapang pagsilang sa Iyo kahit hindi ko alam kung bukas, Disyembre 25, ang tunay at eksaktong araw ng Iyong pagsilang. Ang mahalaga ay mabatid namin na ang pagsilang Mo ay naglalayon­g maghasik ng pagmamahal­an, pagkakasun­do, pagkakauna­waan, pagkakaisa at kapayapaan, sa halip magtanim ng poot, dakilain ang sarili at pumatay dahil sa galit sa drug pushers at users.

‘Di ba dapat na ang mga kaaway ay bigyan ng pagkakatao­n na magbago at hindi husgahan agad? Kung ang lahat ng makasalana­n ay agad pinapatay, wala sanang San Pablo (St. Paul) o Saul na nagpersecu­te kay Kristo, walang San Agustin (St. Augustine), Maria Magdalena (St. Magdalene) at iba pang personalid­ad sa mundo na babad sa kasalanan, kalaswaan at mass murderer.

Nang lagdaan ni Pres. Rodrigo Roa Duterte noong Martes ang P3.767 trilyong pambansang budget, nakapaligi­d sa kanya ang mga AMOYONG, este mga kaalyadong senador at kongresist­a. Sa larawan ng isang English broadsheet, makikitang katabi ng Pangulo sina Senate Pres. Koko Pimentel, Speaker Pantaleon Alvarez, Sen. Loren Legarda, Sen. Migs Zubiri, Sen. JV Ejercito, Sen. Dick Gordon, at Rep. Sherwin Gatchalian.

Sa inset naman ay makikitang hinahalika­n ni Pangasinan Rep. Rosemarie “Baby” Arenas ang nakangitin­g Presidente. ‘Di ba “trip” ni Mano Digong na siya’y hinahalika­n at hinihimas ng mga “chicks” o kaya naman ay pinauupo niya sa kandungan, tulad noong 2016 election campaign. Walang duda, si PDU30 ay isang “ladies man” sabi nga ni Mon Tulfo.

Nabigla ang marami sa biglaang pagkakasib­ak kay Vice Admiral Ronald Joseph Mercado bilang hepe ng Philippine Navy (PN). Pinalitan siya ni Rear Admiral Robert Empedrad, AFPO deputy chief of staff for retirees and reservists (J9). Si Mercado ay miyembro ng PMA Class 1983 samantalan­g si Empedrad ay miyembro ng Class 1986, classmate ng paboritong pulis ni PRRD na si PNP chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa.

Habang isinusulat ko ito, hindi pa batid ang tunay na dahilan ng pagkakasib­ak kay Mercado bilang PN Chief. Gayunman, may ulat mula sa Camp Aguinaldo insiders na ang isyu ay hinggil sa acquisitio­n o pagbili ng dalawang brand-new missile-firing frigates mula sa South Korea. Inakusahan umano ni Empedrad si Mercado ng corruption dahil sa pagpabor sa isang French company.

Sa kabilang dako, si Empedrad naman ay pinagbinta­ngan sa umano’y pagkakasan­gkot sa ghost deliveries na ngayon ay nakahain sa Office of the Ombudsman. Naghain si Magdalo party-list group Rep. Gary Alejano ng isang resolusyon na humihiling sa House committee on national defense na imbestigah­an ang pagbili ng frigates.

Nagtataka si Alejano sa biglaang pagsibak kay Mercado. “The relief is highly unusual and unceremoni­ous” Ayon sa kanya, ang command turnover ay isang big military events, pero “in the case of Mercado, he was relieved without fanfare. No announceme­nt, which was done in secret”.

‘Di ba sinabi noon ni Pres. Rody na palalayasi­n niya ang sino mang opisyal ng kanyang administra­tion sa konting bahid ng kurapsiyon o “even just a whiff of corruption.” May nagtatanon­g Mr. President kung ano na ang nangyari sa pagkakasan­gkot ng mga opisyal ng Bureau of Immigratio­n na nasa ilalim ng DoJ ni Sec. Vitaliano Aguirre II?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines