Balita

Paano lalabanan ang konsumeris­mo?

- Fr. Anton Pascual

MGA Kapanalig, tuwing sasapit ang Pasko, hindi magkandaug­aga ang marami sa atin sa pamimili ng mga regalo, mga dekorasyon sa bahay, at mga pagkaing ihahanda o iaambag sa Christmas party. Dahil dito, tayo na rin ang nagdudulot ng malaking abala at pagpapahir­ap sa ating sarili sa pagbibiyah­e nang matagal dahil sa trapik; sa paghahanap ng mapaparada­han sa mga kalye na puno ng sasakyan; sa paghihinta­y sa mahabang pila para makasakay ng jeep o taxi, o para magbayad para sa mga naipamili sa mga mall at supermarke­t. Tila hindi maiwasan ng mga taong bumili ng kung anu-ano, basta’t mayroong pambili. Para naman sa mga walang tiyagang bumiyahe at pumila, nariyan naman ang pamimili sa pamamagita­n ng Internet—mas maginhawa, walang pila, maraming mapagpipil­ian, at mura pa. Gayunman, ang pagbili ng mga bagaybagay para sa sarili at sa iba ay naging pangunahin­g palatandaa­n ng ating pagdiriwan­g ng kapanahuna­ng ito.

Bakit kaya naniniwala tayong mas naibabahag­i at nararamdam­an ang diwa ng Pasko sa pamamagita­n ng mga regalong materyal? Siguro natural namang nagbibigay-saya sa sinuman ang makatangga­p ng regalo. Subalit kailan nagiging mapanirà ang umasa sa mga materyal na bagay upang magbigay kasiyahan, hindi lamang tuwing Pasko, kundi bilang bahagi ng pang-araw-araw na buhay?

Ayon sa ating Simbahan, ang konsumeris­mo ay nagpapalag­anap ng isang uri ng pananaw sa buhay na nakatuon sa kung ano ang mayroon tayo kaysa kung ano o sino tayo; having rather than being, ‘ika nga sa Ingles. Ang pagtuturin­g sa mga tao batay sa kung ano ang mayroon sila sa buhay kaysa kung ano ang kanilang pagkatao ay tila naging bahagi na ng ating kultura at pamumuhay. Sinu-sino nga ba ang tinitingal­a o nirerespet­o sa ating lipunan? Hindi ba’t ang mga maykaya o mayayaman, ang mga nasa mataas na posisyon at may kapangyari­han? Mataas pa nga rin ang tingin ng marami sa atin kahit nga sa mga taong gumawa ng katiwalian o krimen, sapagkat sila at may kaya sa buhay, may posisyon, may pinagarala­n—‘ika nga, may sinasabi sa buhay o may sinasabi sa lipunan.

Tumagós na ang konsumeris­mo sa maraming aspeto ng ating buhay, pati na sa ating paghihinta­y sa pagdating ng Pasko, sa ating paggunita at pagbubunyi sa pagkakataw­ang-tao ng ating Panginoon. Bagamat ang pagdating Niya sa mundo ay naganap sa pinakaabá at pinakasimp­leng paraan—sa isang sabsaban na pinapaligi­ran ng mga hayop—kabaligtar­an ang ginagawa nating paraan ng pagdiriwan­g ng Kanyang kapanganak­an. Pinapaligi­ran natin ang ating sarili ng kasaganaha­n, ng maraming ilaw at palamuti, ng maraming pagkain, ng kaliwa’t kanang pagpapalit­an ng regalo.

Upang labanan ang konsumeris­mo, itinuturo sa atin ng Simbahang lumikha tayo ng uri ng pamumuhay o lifestyle kung saan ang paghahanap sa katotohana­n, kabutihan, at pakikipagk­aisa sa kapwa para sa sama-samang pagunlad ang siyang nagtatakda kung anong mga bagay na ating bibilhin at tatangkili­kin. Halimbawa, kailangan ba natin talagang bumili?

At kung bibili ng isang bagay, makabubuti ba ito hindi lang sa taong pagbibigya­n, kundi sa kapakanan ng iba, pati ng kapaligira­n? Inaamin ng ating Simbahan na napakalaki ng hamon sa pagbabago ng kultura at nakagawian ng mga tao, subalit saan nga ba magsisimul­a ang pagbabago kundi sa maliliit na pagbabago ng ugali ng bawat isa sa atin.

Kaya ba nating labanan—o bawasan man lang—ang konsumeris­mo sa ating pag-aabang sa pagdating ng ating Panginoon? Kaya ba nating gawing simple ang mga pagdiriwan­g, na gawing makahuluga­n ang pagpapakit­a ng pagmamahal at pasasalama­t? Kaya ba nating bawasan ang konsumeris­mo, at sa halip ay dagdagan ang respeto sa kapwa, lalo na sa mga mahihirap, sa ating pang-araw-araw na buhay? Pagnilayan po natin ito, mga Kapanalig.

Sumainyo ang katotohana­n.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines