Balita

PSC, nakatuon sa pag-unlad ng kabataan

- Ni ANNIE ABAD

BUWAN ng Mayo,nang hindi inaasahan ay sakupin ng mga terorista ang bayan ng Marawi kung saan naging maginit ang bakabkan at kinailanga­n na lumikas ng maraming pamilya para sa kanilang kaligtasan. Kasabay din ito ng pagdedekla­ra ng “martial law” sa nasabing bayan.

Sa kabila nito, hindi natinag ang Philippine Sports Commission (PSC) bagkus ay ipainagpat­uloy pa nila sa pangunguna ni chairman William “Butch” Ramirez ang Summer Children’s Game na ginanap sa Davao City.

Naging pursigido si Ramirez na maisakatup­aran ang nasabing kompetisyo­n, bunsod na rin ng gyera na naganap noon sa Marawi. Hindi kahit na anong putok ng baril man o pagsabog ng bomba ang pumigil sa PSC chief uang ituloy ang tinawag niyang “sports for peace activities”.

“We want to show the world that peacekeepi­ng starts with the children that the children of Davao are involved in peacekeepi­ng activity through sports as Christians, Muslims and Lumads play together. Sports for Peace program is the very soul of PSC’s programs,” pahayag noon ni Ramirez.

Naging matagumpay ang nasabing kompetisyo­n at nakakuha naman ng suporta ang PSC buhat sa lokal na gobyerno ng Davao para sa pagsasagaw­a ng mga laro. Gayunman, karagdagan­g pag iingat din ang ipinatupad ng davao City noon, gayung hiniling ni Mayor Sara Duterte na paikiliin lamang ang laro, para sa kaligtasan na rin ng mga kabataan.

Ngunit, ika nga, kung hindi susubukan ay hindi malalaman kung kaya o hindi, o kung pwede o hindi. Sa gitna ng gyera, sinubukan ni chairman Ramirez na isakatupar­an ang nasabing proyekto na siya rin ang may likha, kung kaya nalaman din niya na walang kahit na anong bala, o anumang karahan ang mananaig kung para sa pagkakaisa at kapayapaan ang layunin.

Tapos na nga ang bakbakan sa Marawi, ngunit patuloy pa rin ang PSC sa kanilang nasimulang proyekto na makapaghub­og at humulma ng mga susunod na Superstar athletes sa hinaharap, sa pamamgitan ng kanilang grass roots program.

Patunay lamang ito na ang hindi sumusuko ay nagwawagi. Asahan ang mas marami pang sports events para sa mga kabataan sa taong 2018.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines