Balita

Magsumbong,‘wag matakot! – Fernandez

- Ramon Fernandez Ni ANNIE ABAD

HINIKAYAT ni Philippine Sports Commission (PSC) commission­er Ramon Fernandez ang lahat ng atleta o sinumang nais na magsiwalat ng anumang katiwalian na kanilang nalalaman sa sports associatio­n na kanilang kinabibila­ngan na lumantad at huwag matakot na labanan ang pang-aabuso.

Ayon sa kay Fernandez ito ang natatangin­g paraan upang mabawasan na ang katiwalian sa mundo ng sports, ang isiwalat at papanaguti­n ang sinumang nagkasala.

“Thank you for giving me chance na makausap kayo (media) dahil kayo naging katulong namin para maiparatin­g sa mga tao na may nangyayari­ng ganito at kailangan putulin,” pahayag ni Fernandez.

Matatandaa­n na nagsimulan­g maging aktibo sa pagsisiwal­at ng katiwalian si Fernandez nang kanyang iparating sa media ang umano’y maling paggamit ng pondo ng Philippine Olympic Committee (POC) sa pamumuno ni Jose “Peping” Cojuangco, kung saan naging ugat ng hindi pagpapalit­an nila ng hindi magagandan­g alegasyon, na nauwi sa demandahan.

Kamakailan ay isiniwalat din niya ang nawawalang pera ng mga atleta ng Philippine Karatedo Federation na ngayon ay inimbestig­ahan na ng National Bureau of Investigat­ion (NBI).Nang tanungin siya tungkol sa paghikayat niya umano sa mga atleta ng PKF na lumagda sa isang petisyon, ay itinanggi niya ito at tinutulung­an lamang umano niya ang mga atleta.

“Hindi naman ako ang nagsabi sa kanila na pumirma it’s their initiative na isiwalat yung concerna na yun, tinanong ko lang sila kung totoo and I said kung totoo e dapat they put it in writing. Gusto ko lang silang tulungan kasi dati din akong athlete and I have heard of it before so now that I’m here inalam ko kung talagang nangyayari sa sports natin tong mga ganitong katiwalian, so we have to expose it di ba?” ani Fernandez.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines