Balita

PBA: ‘Bam- Bam’, handa nang umangat

- Ni ERNEST HERNANDEZ

SA kanyang ika-anim na season sa PBA, pursigido si Riego “Bam Bam” Gamalinda na maipamalas ang potensyal sa kanyang career sa Magnolia Hotshots.

Sa nakalipas na season, naitala ni Gamalinda ang averaged 4.5 puntos. Nitong 2017, nagawa niyang maitaas ang scoring output sa 7.0 kada laro. Sa kampo ng Hotshots, malaki ang potensyal na mas maimprove dniya ang kanyang talento.

At sa unang sabak ng koponan para sa seasong-opening PBA Philippine Cup, hataw si Gamalinda sa naiskor na 15 puntos. At pakikipagt­ambalan niya kay Paul Lee ang naging sandigan ng Magnolia para magapi ang Alaska Aces.

Nakuha ng Magnolia si Gamalinda mula sa Blackwater sa trade na kinasangku­tan din ni Kyle Pascual, Allein Maliksi at Chris Javier.

Para kay “Bam Bam,” walang naging isyu sa kanyang paglipat at madali siyang nakasunod na sistema ni head coach Chito Victolero.

“Actually, hindi naman mahirap magadjdust. Kasi ang team na ito, maraming gusto mag-sacrifice at nadadala ko rin,” sambit ni Gamalinda. “Yung maliliit na details, alam ko nakakatulo­ng kaya nagend up kami ng win na ito.”

“Wala dito yung ‘akin yung bola… akin na’. They give up the ball, kapag libre ka, i-tira mo na kasi nag-e-ensayo naman kami. Thankful ako na lumabas ngayon,” aniya.

Sa pagkawala nina Rafi Reavis, Marc Pingris at Jio Jalalon dahil sa injury, malaking bagay na magpakitan­g gilas si Gamalinda.

“Iyun ang sabi ni coach na dapat man-up at step-up lang lahat kasi kung hindi – hindi kami mananalo,” pahayag ni Gamalinda.

Madali lamang umano ang ibinigay na paalala ni Victolero sa bagong bihis na player at ito’y ang maglaro nang tama at masaya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines