Balita

Coco at Edgar Allan, ‘paps’ ang tawagan

- Ni NITZ MIRALLES

‘PAPS’ ( as in ‘ papa’) pala ang tawagan nina Coco Martin at Edgar Allan ( EA) Guzman na nalaman namin nang magkomento si Coco sa Instagram post ni EA tungkol sa comment ng Cinema Evaluation Board sa MMFF entry nila ni Joross Gamboa na Deadma Walking na, “Ngayon pa lang CONGRATS, Paps!!!”

Sumagot si EA ng, “Paps!! Salamat!!! Congrats din sa movie mo!! Panonoorin ko ‘yun paps idol ka talaga!!”

Kahit magkalaban ang Deadma Walking at ang Ang Panday nina EA at Coco, heto sila’t nagsusupor­tahan at mas pinanaig ang pagiging magkaibiga­n.

‘Tapos, magiging magkalaban pa sila sa best actor, masaya ito!

Samantala, ang husay-husay ni EA sa role bilang Mark sa Deadma Walking na kahit nakataliko­d o naglalakad lang, umaarte pa rin. Kung si Nora Aunor balikat ang umaarte, si EA puwet naman. Hindi lang isang beses niyang itong ginawa kundi tuwing may eksena siyang nakataliko­d at naglalakad, consistent ang puwet.

Malakas ang laban ni EA sa best actor sa awards night ng Metro Manila Film Festival sa December 27 na gaganapin sa Kia Theater. Hintayin natin ang magiging resulta ng winners kung tama ang hula ng maraming nakapanood sa movie nila ni Joross na siya ang mag- uuwi ng award.

Samantala, patuloy na napapanood si EA sa My Korean Jagiya ng GMA-7 bilang si Ryan na ka- love triangle nina Gia ( Heart Evangelist­a) at Jun Ho ( Alexander Lee). Hindi kinaiinisa­n ang karakter niya dahil lovable pa rin. Lalong minahal ang karakter ni Edgar nang magpaubaya at hayaan na sina Gia at Jun Ho.

 ??  ??
 ??  ?? Edgar at Coco
Edgar at Coco

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines