Balita

Nangikil ng R20k bago magpakasal, tiklo

-

Inaresto sa Quezon City ang isang lalaki na umano’y nangikil sa kanyang fiance na isang overseas Filipino worker (OFW), iniulat ng GMA News Online.

Base sa ulat, nagbanta umano si Raul Domingo, 39, na hindi siya sisipot sa kasal nila ni Paula, 40, kung hindi siya nito babayaran.

Dahil dito, ikinasa ng CIDG-Quezon City ang entrapment operation laban kay Domingo sa isang restaurant sa Katipunan Avenue.

“Nitong huling usapan namin, noon lang po siya naging talagang aggressive, talagang directly asking money from me. Before po talaga, ‘yung mga gastusin ako naglalabas,” reklamo ng biktima.

Si Paula ay music teacher sa Singapore at gusto na umano niyang lumagay sa tahimik at akala niya ay si Domingo ang kanyang makakatulu­yan.

“Siyempre po nanghihina­yang, kasi pinagkatiw­alaan ko siya, minahal ko naman po talaga kasi nga po mabuting tao siya, mabait siya. Tapos po ‘yung pag-uusap namin wala ka pong mararamdam­an na may tinatago siya kasi napakakalm­ado niya,” ayon sa biktima.

Samantala, iniimbesti­gahan na ng CIDG kung may iba pang nabiktima si Domingo dahil posible umanong “modus” ito ng suspek.

“Baka meron pang nakakakila­la sa tao na naloko rin, especially ‘yung mga kababayan natin na OFW, kasi ‘yun po ‘yung mga prone sa ganito, nabibiktim­a ng mga ganitong tao,” sabi ni Police Senior Inspector Paolo Benito, Deputy Chief, CIDG, Quezon City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines