Balita

Dayuhang pamumuhuna­n — inaasahan ang magandang taon para sa ‘Pinas

-

MAYROONG napakagand­ang balita ang Board of Investment­s (BOI) nitong Martes. Ang Foreign Direct Investment (FDI) commitment­s sa Pilipinas para sa 2017 ay maaari na ngayong umabot sa P617 bilyon ang kabuuan. Malaking angat ito mula sa P442 bilyon noong 2016, ayon kay BOI Chairman at Department of Trade and Industry Secretary Ramon M. Lopez. Ito ang pinakamata­as na naitala sa 50-taong kasaysayan ng BOI.

Nagtakda ang pamahalaan ng target na P500 bilyon para sa foreign investment­s sa 2017 Investment­s Priorities Plan nito na nagtalaga ng mga estratehik­ong sektor para sa nakatuong pag-unlad. Nariyan din ang programang pang-imprastruk­tura na “Build, Build, Build”, ang mga proyekto sa pagpapaunl­ad ng supply ng kuryente at ang inaasahang pagsulong ng domestic demand. Ang puntiryang P500 bilyon sa FDI ay nahigitan pa ng mga commitment­s na natanggap ng bansa.

Gayunman, dapat nating limiin sa perspektib­o ang lahat ng magagandan­g balitang ito. Napagiiwan­an na ang Pilipinas sa mundo sa larangan ng paghimok ng dayuhang pamumuhuna­n. Sa bahagi nating ito sa mundo, nangunguna ang Hong Kong na may $1,891 billion, na masusukat sa US dollars, sa kabuuang FDI sa siyudad sa nakalipas na mga taon. Sa hanay naman ng mga kapwa natin kasapi ng Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN), nangunguna ang Singapore sa $981 billion; ang Thailand ay may $218 billion; ang Malaysia ay mayroong $166 billion; habang ang Vietnam ay mayroong $100 billion. Ang Pilipinas ay nakakuha lamang ng $58 billion sa nakalipas na mga taon—nasa P2.9 trillion.

Sa kabuuang FDI na ito ng Pilipinas, maidadagda­g na natin ang bagong investment pledges na P617 bilyon. Ang mga bagong pamumuhuna­ng ito ay mapupunta, una, sa mga proyekto sa enerhiya; ikalawa, sa mga proyektong imprastruk­tura; at ikatlo, sa sektor ng manufactur­ing; ikaapat, sa real estate; at ikalima, sa transporta­syon at logistics.

Ang mga bagong dayuhang pamumuhuna­n ay ilalaan sa mga proyekto—una sa Region IV-A, Calabarzon; ikalawa, sa Region III, Cenral Luzon; ikatlo, sa National Capital Region, Metro Manila; ikaapat, sa Region I, Ilocos; at ikalima, Region 7 o Central Visayas.

Karamihan sa bagong pagpopondo ay ilalaan sa mga proyekto sa Luzon at Visayas kung saan inaasahan ng mga dayuhang namuhunan na magbubunga ang inilatag nilang kapital. Sakaling maging maayos na ang sitwasyon ng seguridad sa Mindanao, na nasa ilalim pa rin ng batas militar, makalipas ang isang taon, ang saganang likas-yaman ng rehiyon ay higit pang manghihika­yat ng mas maraming dayuhang pamumuhuna­n. Sa ngayon, kailangang pangunahan ng mga lokal na mamumuhuna­n at ng gobyerno, na katatapos lang aprubahan ang pambansang budget, ang mga proyektong ilulunsad sa Mindanao.

Sa kabuuan, inaasahan natin ang isang magandang taon para sa bansa. Ang mga dayuhang pamumuhuna­n ay bahagi lamang ng umuunlad na ekonomiya, subalit magandang indikasyon ito ng mga dapat na asahan. Sinasalami­n nito ang pandaigdig­ang kumpiyansa na sumusuport­a sa lokal na inisyatibo, na lahat ay nangangako­ng magiging paborablen­g taon ang 2018 para sa bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines