Balita

Kambal na Janella at Heaven, nag-aagawan kay Elmo

- Ni REGGEE BONOAN

“MAY upcoming teleserye po ba ang El Nella?” tanong sa amin ng loyalistan­g supporters nina Elmo

Magalona at Janella Salvador. Wala kaming nababalita­ang seryeng gagawin ng dalawa pero natatandaa­n na tinanggiha­n ni Janella ang The Good

Son at mainit ngayong pinag-uusapan sa social media na ang dahilan ay hindi niya makakapare­ha si Elmo.

May punto rin naman ang dalaga na ang gusto ay magkatamba­l sila sa lahat ng projects niya para solid sila.

Sagot namin sa nagtanong na fans, ‘May Wansapanat­aym naman po sila tuwing Linggo.’

“Oo nga po, doon na lang namin sila napapanood, siyempre gusto rin namin everyday,” katwiran sa amin.

Sabagay, iba rin kasi kapag may teleserye. Anyway, mapapanood ngayong gabi sa Wansapanat­aym Presents: Jasmin’s

Flower Powers ang paghaharap nina Janella (Jasmin) at Thor (Elmo) at ang kakambal niyang si Heaven Peralejo (Daisy).

Regalo ng pag-ibig at pagpapataw­ad ang natanggap nina Jasmin (Janella) at Thor ngayong Kapaskuhan matapos ang kanilang nakakakili­g na pagbabalik­an sa tulong ng lolo ng binata.

Ngunit agad ding magkakalam­at ang kanilang kasiyahan sa pag-amin ni Daisy ng kanyang pagtingin para kay Thor na nagbabadya­ng sumira sa samahang nabuo nila ng kanyang kakambal.

Mas magiging kumplikado rin ang sitwasyon dahil mabubuko na ni Florita ( Ruffa Mae Quinto) ang kapangyari­han ng dalagang bumuhay ng mga lantang halaman, na kanyang aabusuhin para sa kanyang sariling interes.

Maging sanhi kaya ng kaguluhan ang pag-ibig nina Jasmin at Daisy kay Thor?

Alamin sa Wansapanta­ym Presents: Jasmin’s Flower Power ngayong gabi sa ABS-CBN at ABS- CBN HD ( SkyCable ch 167).

 ??  ?? Janella at Heaven
Janella at Heaven

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines