Balita

Kim Domingo, thankful sa unang GMA Pinoy TV event

-

PINAINIT ni Kim Domingo ang holiday season sa Dubai nang makipag-bonding siya sa mga Kapuso abroad sa kanyang kaunaunaha­ng GMA Pinoy TV event na Kim and Queen in Dubai.

Overwhelme­d ang Kapuso actress sa suporta ng kanyang Pinoy fans na full force na nagpunta sa Boracay Bar Aseana Hotel sa kabila ng maulang panahon nitong December 8.

Bago pa nga raw siya lumipad papuntang Dubai, maraming fans mula sa Middle East ang nagpadala ng message sa kanya na excited na silang makita siya for the first time.

Bilang Bubble Gang mainstay, sanay na sa comedy si Kim kaya naman swak na swak ang tandem nila ni Kim Idol na kasama niya rin sa Dubai show. Napuno ng kantahan at tawanan ang venue at super nag-enjoy ang mga OFWs na nanood.

Pagkatapos ng show, ipinamalas naman ni Kim ang kanyang inner supermodel sa second day ng “Breaking Barriers” photograph­y clinic kasama ang master lensman na si Raymund

Isaac na ginanap sa Burjuman Tower noong December 9. Tatlong bonggang gowns ang isinuot niya na lalong nagpakita ng kanyang kaseksihan at natural na ganda.

“Very happy ako dahil sobrang daming Pinoy na nanood sa show namin,” sabi ni Kim na kababalik lang ng Manila. “First time ko sa Dubai at ngayon na-experience ko rin kung paano mag-show abroad with the help of GMA Pinoy TV. Thank you sa lahat ng mga Kapuso abroad at sana ma-meet ko ulit kayo soon.”

Ang dalawang matagumpay na events ay iniorganis­a ng Filhub Events Management kasama ang GMA Pinoy TV bilang exclusive media sponsor. Samantala, napapanood pa rin gabi-gabi si Kim Domingo bilang si Avenir, ang kontrabida

ni Marian Rivera, sa Super Ma’am.

 ??  ?? Kim
Kim

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines