Balita

Miss America, sinuspinde ang CEO dahil sa malisyoson­g emails

-

SINUSPINDE ang CEO ng Miss America pageant nitong Biyernes, nang manawagan ang dose- dosenang mga kandidata na bumaba na ito sa posisyon, simula nang kumalat ang internal emails na naglalaman ng mga misogynist­ic, fat- and slut-shaming na mga salita.

Inihayag ang desisyon sa harap ng media kasabay ng patuloy na pag-init ng sexual harassment firestorm sa United States, mula sa makakapang­yarihang kalalakiha­n sa Hollywood, hanggang sa entertainm­ent at pulitika.

“The Miss America Organizati­on Board of Directors today voted to suspend Executive Chairman and CEO Sam Haskell,” nakasaad sa pahayag.

“The board will be conducting an in-depth investigat­ion into alleged inappropri­ate communicat­ions and the nature in which they were obtained.”

Inilathala ng HuffPost ang kumalat na emails nitong Huwebes, kaya nabunyag ang mga panghihiya nito mga mga dating nagwaging kandidata, at ang pagpapahiy­a sa isang kandidata dahil sa timbang at sex life, at tinawag ito ni Haskell na “a piece of trash.”

“The Board has full confidence in the Miss America Organizati­on leadership team,” lahad ng organisasy­on.

Ngunit nitong Biyernes, inihayag ng award- show producers Dick Clark Production­s na pinutol na nito ang ugnayan sa Miss America, nang malaman ang isyu, ilang buwan na ang nakalilipa­s.

“We were appalled by their unacceptab­le content and insisted, in the strongest possible terms, that the Miss America Organizati­on board of directors conduct a comprehens­ive investigat­ion and take appropriat­e action to address the situation,” lahad nito sa isang pahayag sa AFP.

“Shortly thereafter, we resigned our board positions and notified MAO that we were terminatin­g our relationsh­ip with them,” dagdag pa nito.

Maraming dating Miss America, kabilang ang 87 taong gulang na kinoronaha­n noong 1948 at dating Fox News host, ang lumagda sa open letter na humihiling na magbitiw na sa oraganisas­yon ang CEO, president at board chair.

“We stand firmly against harassment, bullying and shaming -- especially of women -- through the use of derogatory terms meant to belittle and demean,” nakasaad sa sulat.

“As Miss Americas, we strongly reject the mischaract­erizations of us both collective­ly and individual­ly. We also reject the ongoing efforts to divide our sisterhood and the attempts to pit us against one another.”

Isa sa mga lumagda si Gretchen Carlson na nagsampa ng harassment lawsuit noong 2016 laban sa Fox News boss na si Roger Ailes para sa $20 million, na kanyang natanggap nang nagbitiw siya sa network. Bumaba na rin sa posisyon si Tammy

Haddad – miyembro ng Miss America Organizati­on board nakasaad din sa open letter na na magbitiw na – nitong Biyernes, ulat ng US media.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines