PAGDILA SA APOY
Ika-18 labas
KANINA pa naroon si Pedring sa may itaas ng hagdan pero hindi siya makapasok nang husto sa loob ng bahay. Nahihiya siyang natatakot na hindi niya maintindihan. Hindi yata niya kayang humarap sa kanilang panauhin. Paano kung bigla na lang sabihin ni Onor na nakita siya nito kanina sa silong na nakatingala at sinisilipan siya?
“Tutulungan na siguro kitang magluto, Ka Marya.”
“’Tong si Ka Marya. Akala mo nakapulot ng mayamang pinsan. Sanay pa rin ako sa pagdumi ng kamay.”
Una pang nakalabas ng dakong kusina ang panauhin nila at nakita siya. “Oy, Pedring... anak, anriyan ka pala!” si Tiyang Onor.
“Si Pedring ba ‘yan?” tinig ng kanyang ina.
Nasa dibdib na naman ni Pedring ang takot. Parang talagang hinahanap siya ng kanyang ina. Siguro, nakita talaga siya ng tiyang niya at nagsumbong sa kanyang ina. Lagot siya ngayon!
Nakalabas na rin ang kanyang ina at nakita na siya. Nakahinga siya ng maluwag. Hindi naman mukhang galit ang kanyang ina.
“Kanina pa kita papliguan bata ka.. kung saan-saan ka nagpunta. Nalibang tuloy kami ng pag-uusap ng tiyang mo. Hale, maligo ka nang magisa habang nagluluto kami ng tiyahin mo. Tingnan ko labg kung talagang malalansang isda areng pinsan kong mayaman. Marunong ka na namang maligo mag-isa, Pedring, dib a?”
Matagal na niyang hindi gustong paligo sa kanyang ina, dib a? Pero ang inang lang niya ang mapilit. Hindi raw kasi siya marunong maghilod. At kung pinaliliguan siya ng kanyang ina, itaas na bahagi lang ng katawan niya ang kanyang pinahihiluran. O kaya ay mula mga hita lang hanggang mga paa. Parang iniiwasan na rin ng kanyang ina na hiluran siya sa ayaw niyang pahiluran.
“Ikaw nalang kaya, Ka Marya, ang magluto. Ako na ang magpapaligo dine ke Peding. Halika, anak...”
“Naku, huwag po.” Napabigla niyang sabi. “Ayoko po...ayoko po talaga. Hindi po... hindi!”
“Bakit naman ayaw mo, anak? Sanay akong magpaligo ng bata.”
Sa utak ni Pedring: Hindi na ako bata. Pag pinaliguan mo ako, mapapatunayan mong hindi na ako talaga bata. Ayokong makita ng sariling mga mata mo ang ebidensyang hindi na talaga ako bata.
“Halika na, anak,” sabi na naman ng kanyang tiyahin. “H’wag ka nang mahiya. Parang ina mo na rin ako, anak.”
“H’wag po. Ayoko po. Hindi po talaga.” Hindi magkandatutong sabi ni Pedring.
“Hayaan mo na ‘yan, Onor,” sabi ng kanyang ina. “Marunog na ngang maligong mag-isa ‘yan.”
Nakahinga ng maluwag si Pedring. Lihim, napakalaki ng pasasalamat niya talaga.
Dalawa bale ang batalan nina Pedring. Ang nasa duluhan na nagsisilbing labahan at CR, na puwede na rin namang paliguan. Ag ikalawa, ang batalang nasa may kusina sa bahay din. Ang naturang batalan ay nasasahigan ng biniyak-biyak na buong kawayan para hindi kaagad nabubulok kahit palaging basa ng tubig. Puwedeng maligo roon at manubig. Ang silong ay may tambak na mga bata, mga basag na pinggan, palayok, tapayan at mga matitigas na kung ano-ano para hindi malusak. Manakanaka, sinasabugan ng mga abong nalikha ng mga panggatong na kahoy para mawala ang amoy bunga ng ihi.
Itutuloy...