Balita

TRAHEDYA SA PASKO

28 patay, 38 sugatan sa road accidents sa La Union, Cotabato

- NANALANGIN PARA SA MINDANAO EPA/ CLAUDIO PERI

Pinangunah­an ni Pope Francis ang Midnight Mass of Christmas sa Saint Peter’s Basilica sa Vatican City nitong Linggo ng gabi, bisperas ng Pasko. Sa kanyang mensahe, nag-alay din ng panalangin ang Santo Papa para sa mga nasawi, naulila, at naapektuha­n sa pananalasa ng bagyong ‘Vinta’, partikular sa Mindanao.

Dalawampun­g katao ang patay, habang nasa 28 iba pa ang nasugatan makaraang magkasalpu­kan ang isang Partas Bus at isang jeepney sa national highway ng Barangay San Jose Sur sa Agoo, La Union, kahapon ng madaling araw.

Sa panayam ng Balita kay Senior Insp. Eugenio Balagot, deputy chief of police ng Agoo, sinabi niyang nangyari ang aksidente dakong 3:30 ng umaga kahapon, araw ng Pasko.

Sangkot sa nasabing aksidente ang unit ng Partas Bus (137704), at pribadong Isuzu jitney (WST-575).

Patungong norte ang bus, Vigan o Laoag sa Ilocos, mula sa Maynila, habang sakay naman sa jeep ang magkakamag-anak na papunta sa Minor Basilica of Our Lady of the Most Holy Rosary of Manaoag sa Pangasinan para magsimba.

Nabatid sa inisyal na report na posibleng naagaw ng jeep ang lane ng bus kaya nagkasalpu­kan ang dalawang sasakyan.

Ang ilan sa mga nasawi ay kinilalang ang mag-asawang Pepito at Virgie Antolin; anak nilang si Cecile Antolin at anak nitong si Mar Verson Cabero, 7 anyos; Florence Cabradilla; Vicky Aquino; Adola Antolin; Anna Ramirez, 10; Rolando Perez, Sr., driver, 34; Jefrrey Sabado; Gerlafin Ramirez; Claudia Cabradilla; maginang Claudine Cabradilla at Kyle Cabradilla, limang buwan; Manuelito Lomboy; Nadine Joy Cabunas; Ivan Cabunas; Noreen Ivy Cabunas; at dalawang iba pa.

Sa 28 nasugatan, 10 rito ay pasahero ng jeep, habang ang 18 ay lulan sa bus. Isinugod sila sa La Union Medical Center at Ilocos Training and Regional Medical Center sa lalawigan.

Patuloy pang iniimbesti­gahan ng Agoo Police ang aksidente.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines