Balita

Nasawi sa ‘Vinta’, lumobo sa 240

- Aaron Recuenco at Mina Navarro RELIEF GOODS PARA SA SINALANTA CZAR DANCEL

Lumobo na sa 240 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong ‘Vinta’ ngayong nakapagsum­ite na ng mga report sa mga himpilan ng pulisya, partikular sa mga binahang lugar sa Zamboanga Peninsula region.

Ang mga nadagdag sa bilang ng nasawi ay mula sa Lanao del Sur, na nakapagtal­a ng siyam mula sa naunang 18 pagkasawi; at sa Zamboanga Peninsula region, na may 78 namatay, karamihan ay sa Zamboanga del Norte na umabot sa 74.

Ang mga nasawi sa Northern Mindanao ay nananatili sa 135, subalit 72 pa ang nawawala, ayon kay Supt. Lemuel Gonda, tagapagsal­ita ng Police Regional Office (PRO)-10.

Sinabi ni Chief Insp. Helen Galvez, tagapagsal­itang Zamboanga Peninsula Region, na nasa 27 katao na lamang ang nawawala sa rehiyon, 26 sa mga ito ay sa Zamboanga del Norte, habang ang isa ay sa Zamboanga Sibugay.

Mahigit 500 bahay din ang napinsala sa buong rehiyon, ayon kay Galvez, karamihan ay dahil sa basa na nanalasa sa ilang bayan sa Zamboanga del Norte.

Sinabi rin ni Galvez na may kabuuang 8,548 ang nakatuloy sa mga evacuation center sa rehiyon.

Samantala, limang road section sa Region 10 ang nasira ng bagyo.

Batay sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Bukidnon, naapektuha­n ng landslide ang ilang bahagi ng Kapalong-TalaingonV­alencia Road, partikular na sa Barangay San Jose, San Fernando; gayundin ang kilometer 1538 + 000 - kilometer 1560 + 000 sa Sitio Nabunturan sa Bgy. Kalagangan, San Fernando; at ang bahagi ng Kalagangan Bridge.

Sa Lanao Del Norte, napinsala naman ang Dalama Bridge sa Bacolod-Madalum Highway, gayundin ang Daligdigan Bridge sa Salvador-Sapad-Nunungan Road.

Dahil sa mga pinsala, naglagay na ang DPWH ng mga warning sign sa mga napinsalan­g tulay at kalsada upang maabisuhan ang mga motorista at iwasan ang nasabing mga lugar. Isinasakay kahapon ng mga sundalo ang relief goods at supplies sa C-130 plane sa Villamor Airbase sa Pasay City para ibiyahe sa mga lugar sa Lanao del Norte na sinalanta ng bagyong ‘Vinta’.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines