Balita

1.3M nakinabang sa job fairs, skills training—DoLE

- Samuel P. Medenilla

Mahigit sa 1.3 milyong naghahanap ng trabaho at estudyante ang nakinabang sa job facilitati­on at skills training programs ng Department of Labor and Employment (DoLE) ngayong taon.

Aabot sa isang milyong benepisyar­yo ang nagtungo sa 2,675 nationwide job fair na isinagawa ng mga regional office ng DoLE, katuwang ang mga kaagapay nito sa pribadong sektor at lokal na pamaahalaa­n.

Inihayag ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III na 19 porsiyento ng mga nakibahagi sa mga job fair ay naging employed workers ngayong 2017 makaraang ma-hired-on-spot (HOTS).

Nakapagbia­gay ang DoLE ang mga pansamanta­lang trabaho sa pamamagita­n ng Special Program for Employment of Stu- dents (SPES) sa 274,080 estudyante, upang matulungan ang mga itong kumita para sa kanilang edukasyon habang bakasyon.

Napataas din ng kagawaran ang bilang mga may trabaho na 35,377 college graduates, sa pamamagita­n ng Government Internship Program (GIP), at nagkatraba­ho ang 4,992 Pilipinong not in employment, education, or training (NEET) sa pamamagita­n ng JobStart program.

Sa susunod na taon, target ng DoLE na matulungan ang mas maramig Pinoy kasabay ng pagpapalag­anap ng kaalaman sa Trabaho, Negosyo, at Kabuhayan (TNK) kasama ang Department of Trade and Industry (DTI).

Ang TNK ay ang regular na mga jobs fair na ginagawa ng DoLE, ngunit mayroon itong pagsasanay sa negosyo at kabuhayan mula sa DTI.

“This is where massive employment and entreprene­urship opportunit­ies are made available to local communitie­s especially next year when the government sets in full throttle the TNK at the grassroots level,” ani Bello.

Sa pamamagita­n ng TNK, sinabi ni Bello na target ng gobyerno na bawasan ang bilang ng mga manggagaga­wang hindi maganda ang lagay sa informal sector.

“We are optimistic in our employment situation. However, we need to sustain our efforts to strengthen decent work gains and address the remaining employment challenges,” saad ni Bello.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines