Balita

4 arestado sa boga sa QC

- Jun Fabon

Apat na katao ang naaresto ng alertong mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) nang mahulihan ng baril kasabay ng mahigpit na kampanya laban sa ipinagbaba­wal na paputok ngayong holiday season.

Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superinten­dent Guillermo Lorenzo T Eleazar reported to National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief, PDir Oscar D Albayalde, the arrest of four suspects for violation of RA 10591 (Comprehens­ive Firearms and Ammunition Regulation Act) in QCPD’s persistent anti-criminalit­y operations.

Ganap na 1:30 ng umaga kahapon nang maaresto sa Barangay San Jose ng mga operatiba ng La Loma Police-Station 1 si Raffy de Guzman, 28, ng Sta. Cruz, Maynila, makaraang mahulihan ng .38 caliber revolver at apat na bala.

Una rito, bandang 11:30 ng gabi nitong Linggo nang naaresto naman ang 51-anyos na si Edward Tolentino, nang walang maipakitan­g dokumento sa hawak nitong baril.

Arestado rin ng Batasan Police Station 6 si Julius Peronce, umano’y adik sa Bgy. Batasan Hills, pasado 11:25 ng umaga kahapon, dahil sa kalasingan matapos saksakin umano ang kanyang ama sa kanilang bahay. Nahulihan din si Peronce ng shotgun at patalim.

Habang dakong 10:00 ng umaga naman nang nadakip si Juanito Ragundaz, ng Bgy. Bagong Silangan, dahil sa kalasingan at nahulihan pa ng .9mm caliber pistol.

Pawang kinasuhan ng illegal possession of firearms ang mga suspek.

 ?? ALVIN KASIBAN ?? PASKO SA BILIBID Binisita ng kanilang mga kaanak at kaibigan ang mga bilanggo sa Quezon City Jail kahapon.
ALVIN KASIBAN PASKO SA BILIBID Binisita ng kanilang mga kaanak at kaibigan ang mga bilanggo sa Quezon City Jail kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines