Balita

NBI mag-iimbestiga sa Davao mall fire

- Jeffrey G. Damicog

Binigyan ng direktiba ang National Bureau of Investigat­ion (NBI) na imbestigah­an ang sunog sa shopping mall sa Davao City, kung saan mahigit 30 katao ang pinaniniwa­laang nasawi.

Inihayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang direktiba nitong Linggo, dahil ang 37 katao — na hanggang ngayon ay nawawala pa rin — na na-trap sa NCCC Mall, ay pinaniniwa­laang pawang patay na.

“The loss of lives and the resulting damage caused underscore the need to determine if someone is at fault and should be held criminally liable,” saad sa pahayag ni Aguirre kahapon.

“It is for this reason that I have ordered the NBI last night to conduct a probe to determine the criminal culpabilit­y of those responsibl­e,” sabi ni Aguirre, at nagpahayag ng kanyang pakikirama­y sa pamilya ng mga biktima.

Iniutos na ni Aguirre kay Justice Undersecre­tary Raymund Mecate, na may hawak sa NBI, na makipagugn­ayan kay NBI Director Dante Gierran hinggil sa imbestigas­yon.

“We want the NBI to be involved with its own probe. Their findings will enable us to make those responsibl­e fully accountabl­e before our courts via the criminal cases that will be filed,” aniya.

Nagliyab ang NCCC Mall sa Ma-a, Davao City dakong 9:30 ng umaga nitong Sabado at patuloy na nagliyab hanggang Linggo.

Gayunman, nananatili pa ring palaisipan ang sanhi ng sunog, na nagsimula sa ikatlong palapag ng mall.

Natagpuan na ang isang bangkay nitong Linggo, sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na tinukoy ng City Social Services and Developmen­t Office (CSSDO) ang 36 na biktima bilang mga call center agent ng Survey Sampling Internatio­nal (SSI).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines