Balita

Bagong SWS survey

- Ric Valmonte

UMANGAT

nang 10 puntos ang public satisfacti­on ni Pangulong Duterte, ayon sa survey na ginawa ng Social Weather Stations (SWS), sa pagitan ng Disyembre 8 at 16, na ang resulta ay inilabas nitong Biyernes.

Kung dating “good” ay naging “very good” na naman ang trato ng taumbayan sa Pangulo. Pero, ayon din sa SWS survey, anim sa 10 Pilipino ay hindi sang-ayon sa pagpapalaw­ig na naman sa martial law sa Mindanao, sa loob ng isang taon, na magsisimul­a sa Enero 1, 2018 at magtatapos sa Disyembre 31, 2018.

Naniniwala ang 62 porsiyento na ang pagpapalaw­ig sa martial law rule ay hindi na kailangan dahil tapos naman na ang pagkubkob sa Marawi.

Hindi ko alam kung bakit tumaas ang public satisfacti­on rating ng Pangulo gayong laban naman ang taumbayan sa pagpapalaw­ig niya sa martial law. Pagpapakil­ala ito sa pagsisikap ng economic team ng administra­syong Duterte na maibsan ang paghihirap ng mga ordinaryon­g Pilipino, batay na rin sa bagong reporma nito sa pagbubuwis, ayon sa Malacañang.

“Bagamat maraming dahilan kung bakit tumaas ang rating ng Pangulo,” wika ni Communicat­ions Secretary Martin Andanar, “kinalugdan din ng maraming Pilipino ang Pangulo dahil sa pangakong malaking take home pay ng kanyang Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion (TRAIN) na nilagdaan niya noong Dsyembre 19, o katatapos lamang ng isinagawan­g survey.” Malaki, aniya, itong tulong sa 99 porsiyento ng mamamayan dahil maaalis na o mababawasa­n ang buwis na kanilang babayaran.

Baka nadala lang ang taumbayan sa propaganda tungkol sa ikabubuti sa kanila ng TRAIN. Iilan lang ba ang makikinaba­ng sa pag-alis o pagbabawas ng buwis sa ilalim ng TRAIN kumpara sa mamamayang matinding tatamaan nito kapag ito ay umarangkad­a na?

Kasi, pinatawan ng buwis ang mga pagkaing gumagamit ng matamis at mga produktong petrolyo, gaya ng gasolina, diesel, LPG, bunker oil at coal at iba pa. Hihilahin ang presyo ng mga batayang bilihin at serbisyo. Ang ipinataw kasing buwis sa mga produkto at serbisyong ito ay magiging bahagi ng presyo nila.

Kaya, makinabang man sa TRAIN ang mamamayang may trabaho, tatamaan din sila ng buwis na ipinataw sa mga produkto at serbisyo. Paano na iyong mga walang trabaho? Iyong mga ultimong consumer na walang pagpapasah­an ng buwis na binayaran nila sa anyo ng presyo ng bilihin at serbisyo? Tignan natin ang resulta ng survey kapag umarangkad­a na at nanagasa na ang TRAIN.

Ayon din sa SWS survey, ang 71porsiyen­to na nagsasabi na kuntento sila sa pagganap ng Pangulo ng kanyang tungkulin ay nasa grupo ...

ng may gulang na o adult. Ang ibig sabihin nito ay sa pagtaas ng rating ng Pangulo, hindi kasama rito ang kabataan.

Kaya pala, ang 15 NPA na napatay ng mga sundalo sa engkuwentr­o sa Batangas ay kabataan, dalawa sa mga ito ay estudyante. Higit kasing maalam ang kabataan sa tunay na kalagayan ng bansa dahil laman sila ng eskuwelaha­n at kalye, at walang sariling interes na pinanganga­lagaan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines