Balita

Gawa 6:8-10, 7:54-59 ● Slm 31 ● Mt 10:17-22

-

Sinabi ni Jesus sa kanyang nga alagad: “Mag-ingat sa mga tao; ibibigay nga nila kayo sa mga sanggunian at hahagupiti­n kayo sa kanilang mga sinagoga. Dadalhin din nila kayo sa mga pinuno at mga hari dahil sa akin, at dapat kayong magbigay-patotoo sa kanila at sa mga pagano.

“‘Pag iniharap naman kayo, huwag mag-alala sa inyong sasabihin; sa oras na iyo’y ibibigay nga sa inyo ang inyong sasabihin. Sapagkat hindi kayo ang magsasalit­a kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalit­a sa pamamagita­n ninyo.

“Ipapapatay ng kapatid ang sariling kapatid, ng ama ang kanyang anak; at isasakdal ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay sila. Kamumuhian kayo ng lahat dahil sa akin ngunit sa pananatili lamang n’yong matatag hanggang wakas kayo maliligtas.” PAGSASADIW­A:

Sapagkat hindi kayo ang magsasalit­a kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalit­a sa pamamagita­n ninyo.— Makikita natin sa Unang Pagbasa na dahil sa galing at marubdob na pangangara­l ni San Esteban, binato siya hanggang sa mamatay ng mga hindi naniniwala sa katotohana­ng kanyang pinanindig­an at ipinahayag. Bagamat nanganib ang buhay niya dahil sa poot ng kanyang mga kaaway, nanatili siyang matatag.

Literal niyang isinabuhay ang sinasabi ngayon ni Jesus sa ating ebanghelyo: “Kamumuhian kayo ng lahat dahil sa akin ngunit sa pananatili lamang n’yong matatag hanggang wakas kayo maliligtas” (b 22).

Si San Esteban ang unang nagdilig sa pamamagita­n ng sarili niyang dugo sa pananampal­atayang ipinunla ni Kristo sa buhay ng mga unang Kristiyano. Nasundan pa ito ng maraming kuwento ng pagkamarti­r ng mga bayani ng ating pananampal­ataya na siyang patuloy na nagpalago sa buhay ng ating Iglesya noon at hanggang ngayon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines