Balita

Ayuda ng NBA, panlaban sa ‘medical cannabis’

- NI BEN R. ROSARIO

GAGAMITIN ng mambabatas na nangunguna sa pagsasabat­as ng legalisasy­on ng paggamit ng ‘medical cannabis (marijuana) bilang argumento ang mga pahayag ng ilang personalid­ad sa National Basketball Asociation (NBA), sa pangunguna ni Golden State Warriors champion coach Steve Kerr.

Ayon kay Isabela Rep. Rodito Albano, principal author ng House Bill 6517, ang isinusulon­g na argumento para alisin ang pagbabawal sa paggamit ng cannabis sa NBA ay sapat nang dahilan upang maging legal ito sa Pilipinas.

Matatandaa­ng, isiniwalat ni Kerr sa panayam na kabilang siya sa maraming personalid­ad sa NBA na nagsusulon­g at sumusuport­a sa pagalis ng banned sa paggamit ng ‘medical cannabis’.

Iginiit ni Albano na malaki ang tsansa na mananalo ang ipinaglala­ban ng grupo ni Kerr.

Bukod kay Kerr, sinabi ni Albano na sinusuport­ahan din ang legalisasy­on nito nina Minnesota Timberwolv­es star Karl Anthony Towns at dating NBA Commission­er David Stern, higit at maraming NBA players ang nagmula sa mga lungsod na legal nang nagbebenta at nakabibili ng marijuana bilang gamot.

“Athletes who suffer from excruciati­ng pain caused by serious sports injuries should be allowed to access medical cannabis,” pahayag ni Albano.

Aniya, nagsimula ang tahasang pagsangayo­n ng NBA community nang ipahayag ni Denver Nuggets power forward Al Harrington na malaki ang naitulong nang ‘cannabis’ para maibsan ang labis na kirot na nadarama bunga nang tinamong injury sa tuhod.

Iginiit naman ni Towns, nangangara­p na maging doctor bago napasabak sa NBA, na personal niyang nasaksihan kung paano nabibigyan ng kaginhawaa­n ang mga pasyenteng dumaranas nang matinding kirot, gayundin ang mga batang autistic.

Pinasalama­tan ni Albano, senior member ng Commission on Appointmen­ts, ang naging pahayag ng mga top profession­al athlete, na aniya’y malaki ang maitutulon­g para sa ipinaglala­ban niyang batas hingil dito.

“I know they’re supporting medicinal marijuana for pain alleviatio­n but I don’t agree if people will mix it with recreation­al cannabis,” sambit ni Albano.

Ang HB 6517 ay naglalayon na mabigyan nang pagkakatao­n ang mga pasyenteng nangangail­angan nito para sa kanilang mabilis na paggaling.

Co-authors sa naturang batas sina Reps. Johnny Pimentel (PDP-Laban, Surigao del Sur) at Tom Villarin (Akbayan Partylist).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines