Balita

Magkapatid, magkaribal sa Olympics

-

VADNAIS HEIGHTS, Minnesota — Nagsasanay si Marissa Brandt para sa kampanya ng hockey team sa kanyang eskwelahan nang makatangga­p ng tawag sa phone.

Sa kanyang pagsagot, hindi niya sukat akalain na simula ito ng pagbabago ng kanyang buhay at career,

Naghahanda ang South Korea para sa binubuong national hockey team na isasabak sa 2018 Winter Olympics at inanyayaha­n siya – bilang South Korean national – na sumapi.

Pinaunlaka­n niya ang paanyaya HANDA nang at mula sa Minnesota nagbalikba­yan siya sa bansan gpinangana­kan niya at nilisan nang siya’t apat na taong gulang pa lamang.

“I’m happy I took that leap of faith,” aniya.

Matapos makapasa sa tryouts, isa na siyang ganap na South Korean citizen at top player ng koponan.

Ngunit, ang naiwan sa Amerika na kapatid na si Hannah Brandt ay swerte namang napabilang sa Team USA, dahilan upang magkaroon ng tsansa ang kanilang magulang na sina Greg at Robin na mag-cheer sa magkahiwal­ay na koponan para suportahan ang anak sa Pyeongchan­g Winter Games sa Pebrero.

“It would be fun to play her in the Olympics,” pahayag ni Marissa. “Not awkward at all.”

Tunay na walang dahilan para magkaroon ng alinlangan, sakabila ng katotohana­n na magkapatid sila, ngunit hindi sa dugo. Inanpon lamang ng pamilya si Marissa. Sa kabila nito, masayang nagsama ang magkapatid.

“We were best friends,” pahayag ni Hannah.

“Even though she’s younger than me. I look up to her in so many ways,” sambit ni Marissa. MAGKARIBAL para sa magkahiwal­ay na koponan ang magkapatid na Marissa Brandt at forward Nicole Schammel sa hockey game sa South Korea Winter Olympics. AP

TULAD ng inaasahan, hindi napahiya ang Magnolia Hotshots sa pagkuha kay Filipino-American Robbie Herndon sa nakalipas na drafting. Sa kanyang debut, umiskor siya ng siyam na puntos at may pitong rebounds.

Sa pagkawala nina Rafi Reavis at Marc Pingris, na pawang nagpapagal­ing sa natamong injury, sinamantal­a ni Herndon ang playing time na nakuha para maipamalas ang husay at matulungan ang koponan.

“Right now, I am just excited that I was able to play though I was doubtful because of my back (injury),” sambit ni Herndon. “God willing, I was able to get out there and play, excited to contribute and help the team win.”

Nakuha ng GlobalPort Batang Pier bilang 6th overall pick si Herndon sa 2017 PBA draft, ngunit ipinamigay ito sa Magnolia kapalit nina rookies Lervin Flores, Joseph Gabayni, at Julian Sargent.

Hrap sa unang sabak ng ensayo, unti-unti nakasabay si Herndon sa istilo at sistema ng Hotshots. At sa kasalukuya­n, handang makipagsab­ayan.

“We practice every day, and we practice above that every day. I am focused to learn the system. There’s a lot going on at Magnolia. The system is a lot,” aniya.

“These players have been together awhile, and I’m the only new guy. So I come in focusing on every practice and tune-up game to figure it out and mold in. I think so far; I’m there.”

Para sa kanya, ayaw niyang mapahiya sa kanyang teammates, higit sa mga player na kanyang iniidolo.

“You know, it is just being out there and playing with people I always see in the articles and TV. Being their teammates and just being out there, it’s surreal. It is like ‘wow,’ I am finally here,” sambit ni Herndon.

Sa kanyang rookie debut, nakaharap ni Herndon ang dalawang hinahangaa­n na pklayer – sina Calvin Abueva at Vic Manuel.

“I know that it is going to be physical in the PBA. It was already physical in the D-League and a physical game in general. There will be players that will try to tuck on your jersey or just want to hit you when you are not looking. That is part of the game, and it doesn’t bother me,” pahayag ni Herndon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines