Balita

Paolo Duterte nag- resign bilang VM

- Ni YAS D. OCAMPO

Nagbitiw sa tungkulin si Davao City Vice Mayor Paolo Z. Duterte at binigyang-diin ang pagkakaroo­n niya ng delicadeza makaraang masangkot sa pagpupusli­t ng bilyun-bilyong pisong halaga ng shabu sa Bureau of Customs at pagsasapub­liko noong nakaraang linggo sa away nila ng kanyang panganay na anak na pinagpista­han sa social media.

Isinapubli­ko ng panganay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang resignatio­n bilang bise alkalde ng siyudad nang basahin niya ang kanyang speech sa special session ng Sanggunian­g Panlungsod kahapon.

Pinigilan ng bise alkalde na maiyak habang binabasa ang kanyang speech, kasunod ng pagdedekla­ra ng konseho ng state of calamity sa siyudad dahil sa pananalasa ng bagyong ‘Vinta’ sa nakalipas na mga araw.

“There are recent unfortunat­e events in my life that are closely tied to my failed first marriage,” sinabi ni Paolo sa harap ng plenary. “These, among others, include the maligning of my reputation in the recent name dropping incident in the Bureau of Customs smuggling case and the very public squabble with my daughter.” Noong nakaraang linggo, nagsagutan sa Facebook at Twitter sina Paolo at panganay niyang si Isabelle makaraang unang parunggita­n ng 17anyos ang ama tungkol sa umano’y pambubugbo­g sa isang menor de edad.

Humingi ng paumanhin ang bise alkalde sa naging epekto ng bigo niyang relasyon “that has happened as a result of a wrong decision to marry at a very young age.”

“When I was growing up my parents never failed to remind of the value of the time honored principle of delicadeza and this is one of those instances in my life that I need to protect my honor and that of my children,” anang bise alkalde. “I am grateful to all the Dabawenyos for your support to my office and I look forward to the day that I will be able to serve our country again.

Kaagad ding nilisan ni Paolo ang gusali matapos basahin ang kanyang speech.

Sa isang panayam, sinabi ng kapatid na si Davao City Mayor Sara Duterte na alam niya at ng amang si Pangulong Duterte ang pagbibitiw ng bise alkalde.

Gayunman, sinabi ng alkalde na hanggang hindi tinatangga­p ng Presidente ang resignatio­n ni Paolo ay mananatili­ng “on leave” ang status ng bise alkalde.

Nilinaw ni Sara na tanging si Pangulong Duterte ang maaaring tumanggap at magsapinal sa pagbibitiw sa tungkulin ni Paolo.

Sinabi rin ng alkalde na suportado niya ang naging pasya ng kanyang kapatid. “These are things that are beyond us.”

Una nang itinanggi ng bise alkalde ang pagkakadaw­it ng kanyang pangalan sa pagkakapus­lit ng P6.4-bilyon shabu sa Customs nang humarap siya sa imbestigas­yon ng Senado sa usapin.

 ?? Vice Mayor Duterte ??
Vice Mayor Duterte

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines